Pumunta sa nilalaman

The Satanic Verses

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ang mga Talatang Makasatanas)
Para sa mga talata na ipinapalagay na idinagdag at inalis mula sa Koran, tingnan ang Mga talatang makasatanas.

Ang The Satanic Verses (Ingles, lit. na 'Ang mga Talatang Makasatanas') ay isang nobela ni Salman Rushdie. Isang bahagi nito ay nabigyang inspirasyon ng buhay ni Muhammad. Ang pamagat ay tumutukoy sa mga talatang makasatanas (Satanic verses). Isa ito sa mga interpretasyon ng Koran. Ang interpretasyon ay kung ano ang ginawa ni Ibn Ishaq pinakamatandang nalalabi at nailigtas na teksto ng akda. Ilang mga manunulat ng kasaysayan ng Islam at karamihan sa mga historyador na hindi Muslim sa Kanluraning Mundo, at mga tagapagbigay ng mga kuru-kuro (mga komentador) sa Koran ang tumanggap sa kuwentong ito hinggil sa panandaliang pagtanggap ng mga talata ni Muhammad. Ang isang pangkaraniwang pananaw na pangmuslim ay isang pabrikasyon ang pagkakaroon ng mga talata o berso, at ginawa ito ng mga hindi Muslim.[1]

Ang kathambuhay na ito ay nagdulot ng kontrobersiya nang malathala. Maraming mga Muslim ang nakadama na naglalaman ang nobela ng mga pagtukoy na may blaspemiya, o paglapastangan, kawalan ng pakundangan at paggalang sa paniniwala ng mga Muslim. Nagpalabas si Ayatollah Ruhollah Khomeini, ang Kataas-taasang Pinuno ng Iran, isang dalubhasang Muslim na Shi'a, ng isang fatwa na tumawag sa kamatayan ni Rushdie at nagpahayag na obligasyon ng bawat isang Muslim na sumunod sa kaatasang ito.[2] Bilang resulta, si Hitoshi Igarashi, ang tagapagsalinwika papuntang Hapones ng aklat ay sinaksak hanggang sa mamatay noong Hulyo 11, 1991; si Ettore Capriolo, ang tagapagsalinwika papuntang Italyano ng aklat, ay malubhang nasugatan nang masaksak noong buwan ding iyon. Si William Nygaard, ang tapaglathala sa Norway, ay nakaligtas mula sa isang tinangkang asasinasyon sa Oslo noong Oktubre ng 1993. Noong Pebrero 14, 2006, iniulat ng pang-estadong ahensiya ng balita ng Iran na ang fatwa ay mananatili na nang pamalagian.[3]

Subalit, sa Nagkakaisang Kaharian, ang aklat ay pinuri ng maraming mga manunuri. Naging pinalista ito sa Premyong Booker noong 1988, bagaman natalo ng akdang Oscar and Lucinda ni Peter Carey.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The "Satanic Verses"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-09. Nakuha noong 2011-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ayatollah sentences author to death" (sa wikang Ingles). BBC. 1989-02-14. Nakuha noong 2007-01-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Iran says Rushdie fatwa still stands" (sa wikang Ingles). Iran Focus. 2006-02-14. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-17. Nakuha noong 2007-01-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

PanitikanIslam Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.