Annie (pelikulang pinalabas noong 1982)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Annie
DireksiyonJohn Huston
ProduksiyonRay Stark
Dulang pampelikulaCarol Sobieski
Batay sa
Mga itinatampok
na pagaganap
MusikaRalph Burns
SinematograpiyaRichard Moore
Tagapag-editMichael A. Stevenson
EstudyoRastar
Ipinamahagi ngColumbia Pictures
Petsa ng
pagpapalabas
Mayo 21, 1982 (1982-05-21) (limitado)[1]Hunyo 18, 1982 (1982-06-18) (wide)[1]
Haba128 minutes[2]
BansaEstados Unidos
WikaIngles
Badyet$50 milyon
Kabuuang kita$57 milyon[1]

Annie ay isang Amerikanong musikal na pelikula na unang pinalabas noong 1982. Hango ito sa musikal na dula nina Charles Strouse, Martin Charnin at Thomas Meehan, na siya namang hango sa komikong Little Orphan Annie na inilikha ni Harold Gray. Sa direksyon ni John Huston at sulat ni Carol Sobieski, pinagbibidahan nito nina Albert Finney, Carol Burnett, Ann Reinking, Tim Curry, Bernadette Peters, Geoffrey Holder, Edward Herrmann at si Aileen Quinn bilang si Annie.

Tungkol ang Annie sa pakikipagsapalaran ng isang batang ulila na nagngangalang Annie sa New York City noong Dakilang Depresyon, kung saan siya ay ikinupkop ng bilyonaryong si Oliver Warbucks. Ikinuha ang pelikula sa loob ng anim na linggo sa Monmouth University sa New Jersey.

Inilikha ng Rastar at inilathala ng Columbia Pictures noong June 18, 1982, kumita ang Annie ng $57 milyon sa takilya. Ininomina ito para sa dalawang Academy Award para sa Best Production Design at Best Song Score at Adaptation.

Sinundan nito ng isang pelikulang pang-telebisyon na pinamagatang Annie: A Royal Adventure!, na ipinalabas noong 1995. Sa kanilang unang pakikipagtambalan sa produksyon, inilikha ng Disney at Columbia Pictures ang isang pelikulang pang-telebisyon na bersyon ng Annie noong 1999. Isang bersyon na base sa makabagong panahon ang ipinalabas ng Columbia noong Disyembre 19, 2014.

Mga sangguni[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 "Annie". Box Office Mojo. Hinango noong February 1, 2015.
  2. "ANNIE (U)". British Board of Film Classification. May 6, 1982. Hinango noong November 20, 2014.

Panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.