Pumunta sa nilalaman

Anorexia nervosa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang halimba ng anorexia nervosa

Ang anorexia nervosa ay isang sakit sa gawi sa pagkain (eating disorder) katulad ng bulimia nervosa. Napapansin ito kung ang kumakain ng kaunti lamang ang isang kabataan na babae ang karaniwan, may pagbabago sa gawi sa pagkain o bumababa ang timbang. Higit pa sa isang simpleng suliranin ang sakit na ito, isa itong malubhang karamdaman.

Mga sanhing sikolohikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kadalasang napakasakdal (perfectionist) ang mga taong mayroong mga sakit sa gawi ng pagkain tulad ng anorexia at bulimia nervosa. Sila ang mga taong may mga hindi kapanipaniwalang pangarap sa kanilang sarili, sa kabila ng kanilang tagumpay sa buhay, palagi nilang naramdaman na may kulang, kumbaga ang nakita nila sa mundo ay panay itim at puti, lahat ay may mabuti o di kaya’y masama, tagumpay o di kaya’y bigo, mataba o payat. Kung ang mataba ay masama ang payat ay mabuti. Kumbaga, ang pinakapayat ay napakabuti sa kanila, kahit na ang pinakapayat na 68 lbs. ay nasa bingit na ng kamatayan, nakahiga sa kama ng ospital.

Mga sanhing biyolohikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kadalasang nagkakaraoon ng sakit sa gawi sa pagkain ang mga taong mayroong personalidad katulad ng obsessive-compulsive and sensitive-avoidant (palagiang-nag-alala-mapilit at sensitibong-umiiwas) kaysa sa iba. Sa mga bagong pag-aaral, sinasabing nagbibigay ng daan sa lungkot at lumbay ang henetikong sanhi at ang pagiging napakasakdal at iba pang isipan at kaugaliang palagiang nag-alala at mapilit (obsessive-compulsive thoughts and behaviors) Sa katunayan, ang mga taong mayroong ina o kapatid na mayroong anorexia nervosa ang 12 na beses pa ung tiyansa na magkaroon ng anorexia nervosa din, kaysa sa taong walang kamag-anak ng may ganitong sakit. May apat na beses din sila na tiyansa na magkaroon ng bulimia nervosa.

Kapag ang isang tao ay nagsimula na magpagutom, at sumuka may tsansa na ang kanilang utak ay masanay at pwede pa itong tumagal. Kapag nagsimula pa sa bata ang sakit o di kaya'y nagbibinata o nagdadalaga, mahirap na itong malunasan dahil ang mga bata lalo na ang mga kabaataan na nag-pupumilit na tumanda sila at alam nila ang gingawa nila.

Mga sanhi sa pamilya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ibang mga taong may sakit sa gawi sa pagkain ay galing sa isang pamilyang labis magprotekta. Nakaradama ang ibang taong ng pag-iisa at pagbale-wala at kulang sa pag-unawa. Nakakadulot ng sakit sa gawi sa pagkain ang mga magulang na masyadong pinapahalagahang ang panlabas na anyo, kaya may malaking tama ang mga negatibong komentong sinabi nila sa kanilang anak.

Kagipitan ng kultura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga kanluraning bansa, para ang isang babae ay maging maligaya dapat siyang magkaroon ng isang magandang relasyon sa kanyang anak, at dapat gusto siya ng kanyang kaibigan, at dapata asensado ang kanyang trabaho at dapat maganda ang kanyang bahay at dapat payat.

Mga sanhi ng midya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapag ang isang magulang ay palaging nagsaway sa kanilang anak tungkol sa pagkaing-basura (junk food) at sinubukan nilang pagbawalan ito ng kumain ng mga ito, magkaroon ng atensiyon ang mga bata na subukan ang mga pinagbawalan na pagkain. Kung gaano ka bawal iyon kainin, ganun din ka laki ang maging atensiyon nila sa mga pinababawalan na pagkain. At nagdudulot ang ganitong ugali ng sakit sa gawi sa pagkain sa hinaharap na buhay.

Mga sanhi ng lipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Minsan ang itsura ng isang tao ang nakapagdulot ng maraming kaibigan at karelasyon sa ibang tao, ito din ay naging sanhi kung bakit pinipilit ng ibang tao, magpapayat at mag didiyeta sa kabila ng malusog nilang katawan.

Ang mga taong may problema sa relasyon at ang naiiwan sa ere ay kadalasan nagkaroon ng ganiton sakit, ang iba naman kung tingnan ay mukhang maligaya sa ginawa nilang makipagsalimuha sa ibang tao, pero sa huli naman pala, inamin nilang hindi nila naramdaman na kasali sila sa grupo, at kadalasan ang mga sinasabi nila ay wala silang kaibigan, na wala silang pag-asa, at natatakot na di tanggapin.

Ang taong may anorexia at bulimia nervosa ay ayaw ipanatili ang kanyang normal na timbang. Natatakot din siyang tumaas ang kanyang timbang, nagsasalita siya tungkol sa kanyang itsura, na mataba daw siya at iba pa. Nahihirapan kumain lalo na kapag maraming pagkain, masayadong mapili kung kumain, nasosobrahan kung mag-ehersisyo, palaging nagbabago ang kanyang ugali kumbaga sumpungin siya. Minsan pasekreto niyang tinatapon iyong mga pagkain, mababa ang timbang niya 85% sa dapat niyang maging timbang base sa edad niya at sa tangkad niya. Iyong mga batang babae ay hindi nagsimulang magka-regla sa eksaktong edad, nahuhuli iyung pagdadalaga nila. Tumitigil din minsan ang isang babae ang regla nila. Sa lalaki naman, bumama naman ang hormona sa kasarian (sex hormone) nila at bumama o nawawala din ang gana sa pagtatalik. Tinatanggi din nila na delikado iyong masyadong mababa timbang at takot na takot tumaba.