Ant-Man (Scott Lang)
Si Ant-Man (Scott Lang) ay isang kathang-isip na superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng Marvel Comics. Nilikha nina David Michelinie, Bob Layton at John Byrne, unang lumabas si Scott Lang sa The Avengers #181 (Marso 1979) at sa Marvel Premiere #47 (Abril 1979) bilang ang ikalawang superhero na ginamit ang pangalang Ant-Man sa Marvel Universe. Isang nagbagong-buhay na magnanakaw at eksperto sa elektroniks, kasapi siya ng Avengers, Fantastic Four at Guardians of the Galaxy. Siya din ang pangunahing karakter sa serye ng komiks na FF at, noong 2015, siya ay naging titulong karakter sa seryeng Ant-Man.
Ginampanan ni Paul Rudd ang karakter na Scott Lang sa Marvel Cinematic Universe sa mga pelikulang Ant-Man (2015), Captain America: Civil War (2016), Ant-Man and the Wasp (2018), at Avengers: Endgame (2019).
Kasaysayan ng paglalathala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilikha nina David Michelinie, Bob Layton at John Byrne,[1] unang lumabas si Scott Lang sa The Avengers #181 (nakapetsa ang pabalat sa Marso 1979) at bilang panglawang Ant-Man sa Marvel Premiere #47 (Abril 1979).[2] Interesado si Michelinie sa mga bayaning lumiliit, at ang pagbalik ni Hank Pym sa pagkukunwari bilang si Yellowjacket ay nagbigay ng opotunidad na kunin ang binalewalang katauhan ni Ant-Man.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Rivera 2015.
- ↑ Lovette 2015.
- ↑ Brennaman, Chris (Abril 2014). "Marvel Premiere". Back Issue]. Raleigh, North Carolina: TwoMorrows Publishing (71): 29.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)