Antipapa Benedicto XIV
Itsura
Ang Benedicto XIV ang pangalang ginamit ng dalawang malapit na magkaugnay na mga maliit na antipapa noong ika-15 siglo. Ang una na si Bernard Garnier ay naging antipapa noong 1424 at namatay noong ca. 1429. Ang ikalawa na si Jean Carrier ang naging antipapa noong ca. 1430 at maliwanag na umalis sa opisina dahil sa kamatayan o pagbibitiw noong 1437.