Aqua-Lung
Ang Aqua-Lung[1], na nakikilala rin bilang aqualung[2] (baga sa tubig o bagang pantubig) ay ang orihinal na pangalang nasa Ingles unang aparatong panghinga habang nasa ilalim ng tubig na mayroong laman at bukas na sirkito (o self-contained underwater breathing apparatus, na dinadaglat bilang "SCUBA"), na nakatanggap ng katanyagan sa buong mundo at pananagumpay na pangkomersiyo. Ang ganitong uri ng kasangkapan ay pangkaraniwan na ngayong tinutukoy bilang isang regulador na pangsisid[3] o balbula ng pangangailangan. Ang Aqua-Lung ay naimbento sa Paris noong panahon ng taglamig ng 1942 hanggang 1943 ng inhinyerong si Émile Gagnan at ng lieutenant de vaisseau (tenyente ng linya ng barko) na si Jacques Cousteau, na kapwa mula sa Pransiya.
Imbensiyon at patente
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang sinaunang regulador o "tagatimpla" ng paghinga sa ilalim ng tubig, na nakikilala bilang régulateur, ang naimbento Benoît Rouquayrol sa Pransiya noong 1860. Siya ang unang nagdiwa rito bilang isang aparato na tumutulong sa pagtakas magmula sa mga minahang binabaha. Ang regulador na Rouquayrol ay inangkop sa pagsisid noong 1864, nang makatagpo ni Rouquayrol ang lieutenant de vaisseau na si Auguste Denayrouze. Ang kasangkapang Rouquayrol-Denayrouze ay ginawa nang maramihan sa pabrika at naging kalakal noong 28 Agosto 1865, nang magpagawa ng ganitong mga aparato, sa unang pagkakataon, ang Ministro ng Hukbong Pangdagat ng Pransiya.[4]
Pagkalipas ng 1884, mayroong ilang mga kompanya at mga negosyante ang bumili o nakamana ng patente at lumikha nito hanggang 1965. Noong 1942, habang nagaganap ang pananakop ng Alemanya sa Pransiya, ang patente ay hawak ng Établissements Bernard Piel (Kompanya ni Bernard Piel).[5] Ang isa sa kanilang mga patente ay napunta kay Émile Gagnan, isang inhinyero nagtatrabaho para sa kompanyang Air Liquide (Likidong Hangin, Pantubig na Hangin). Pinaliit ni Gagnan ang aparato at inangkop niya ito para sa mga panglikha ng gas bilang pagtugon sa kakulangan ng gatong, na dulot ng kahilingan ng mga Aleman. Nalalaman ng amo ni Gagnan na si Henri Melchior na ang kaniyang manugang na lalaking si Jacques-Yves Cousteau ay naghahanap ng isang awtomatikong regulador ayon sa pangangailangan upang mapataas ang panahon ng paggamit ng aparatong panghinga sa ilalim ng tubig na naimbento ni Komandante Yves le Prieur,[6] kung kaya't ipinakilala niya si Cousteau kay Gagnan noong Disyembre 1942. Sa pagkukusa ni Cousteau, inangkop ang regulador ni Gagnan sa pagsisid, at ang bagong patenteng Cousteau-Gagnan ay naiparehistro ilang mga linggo pagdaka ang nakalipas noong 1943.[7] Pagkaraan ng digmaan, noong 1946, itinatag ng dalawang mga lalaki ang La Spirotechnique (bilang isang dibisyon ng Air Liquide) upang malikha nang maramihan at maipagbili ang kanilang imbensiyon, na sa pagkakataong ito ay nasa ilalim ng bagong patente ng 1945, at nakikilala bilang CG45 ("C" para kay Cousteau, "G" para kay Gagnan at "45" para sa 1945). Ang regulardor na CG45 na ito rin, na sumailalim sa produksiyon nang mahigit sa sampung mga taon at naipangkalakal sa Pransiya magmula noong 1946, ay ang unang talagang natawag bilang "Aqua-Lung". Sa Pransiya, ang mga katagang scaphandre autonome ("scuba set" sa Ingles, na may kahulugang "pangkat ng mga kagamitang pang-SCUBA"), scaphandre Cousteau-Gagnan ("Cousteau-Gagnan scuba set" o "pangkat ng mga kasangkapang pang-scuba nina Cousteau at Gagnan), o CG45 ay sapat may kahulugang upang maikalakal, subalit upang maipagbili ang kaniyang imbensiyon sa mga bansang nagsasalita ng wikang Ingles, kinailangan ni Cousteau ang isang pangalang mapanghikayat na umaalinsunod sa mga pamantayan ng wikang Ingles. Kung kaya't nilikha niya ang pangalang Aqua-Lung.
Noong kahulihan ng dekada ng 1940 at kaagahan ng dekada ng 1950, sinimulang iluwas ng La Spirotechnique ang Aqua-Lung at pinaarkila (pinaupahan, sa diwa ng Ingles na lease) ang patente nito sa mga kompanyang dayuhan (katulad ng Siebe Gorman ng Britanya). Ang mga operasyong ito ay naging matagumpay. Hindi naging kasing matagumpay nito ang aparatong Rouquayrol-Denayrouze sapagkat ang mga tangke ng hanging siniksik (compressed-air) na ginagawa sa pamamagitan ng teknolohiya noong mga panahong iyon ay nakapaghahawak lamang ng 30 mga atmospero, na nagpapahintulot ng mga pagsisid na tumatagal lamang na nasa loob ng 30 mga minuto at hindi maaaring lumalim nang mahigit kaysa sa 10 mga metro.[8] Bago sumapit ang 1945, mas ginugusto ng mga maninisid na Pranses ang kanilang nakaugaliang helmet na pangsisid at ang mga damit na panisid. Nang maging isang kagamitang pangkomersiyo ang Aqua-Lung, natuklasan ng mga maninisid sa buong mundo na ang isang mas maliit at mas magaan na aparatong pang-scuba, kung ihahambing sa nauna rito, na sa katotohanan ay sadyang hindi nakikilala sa labas ng Pransiya. Bilang karagdagan, at ang pinakamahalaga, ang Aqua-Lung ay maisusukbit sa ibabaw ng mas matitibay at mas maaasahang mga tangke ng hangin na naglalaman ng 200 mga atmospero,[9] na nagpapahintulot ng pagpapahaba ng itinatagal ng pagsisid magpahanggang sa mahigit sa isang oras habang nasa kapakipakinabang na mga kalaliman (kasama na ang kailangang panahon para sa mga paghinto para sa dekompresyon).
Ang unang mga Aqua-Lung na Cousteau-Gagnan (katulad ng CG45 ng 1945 o ang Mistral ng 1955) ay pangunahing mga scuba na mayroong sirkitong bukas at mayroong dalawang "medyas" (hose o tubo). Magmula noon ay ginagawa na ang mga ito ng sari-saring mga tagapagmanupaktura na mayroong iba't ibang mga detalye ng disenyo at mga bilang ng mga silindro. Katulad ng modernong iskuba na bukas ang sirkito na mayroong mga regulador na isa ang tubo, binubuo ang mga ito ng isa o mahigit pang bilang ng mga silindrong pangsisid na pangmataas na presyon at ng isang regulador na pangsisid (ang Aqua-Lung) na nagbibigay sa maninisid ng gas na nahihinga (singaw na nahihinga, hangin na mahihinga) habang nasa presyon na nakapaligid sa pamamagitan ng balbula ng pangangailangan. Sa loob ng mahigit kaysa sa sampung mga taon, na makikita sa mga pelikulang Épaves (Shipwrecks, o "Mga Paglubog ng Barko", "Mga Pagkawasak ng Bapor", 1943) at Le Monde du silence (Ang Tahimik na Mundo, 1956) ang pangunahing ginagamit nina Cousteau at ng kaniyang mga maninisid ay ang mga kasangkapang pang-iskuba na Aqua-Lung na nakasakbit sa tatlong mga silindrong pangsisid, na ang isa ay ginagamit bilang isang ligtas na reserbang hangin.[10]
Sirkitong nakabukas/nakasara
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang orihinal na "Aqua-Lung" ay may disenyong "bukas na sirkito" (na tinawag nang ganito dahil sa ang gas ay dumadaloy magmula sa silindro, papunta sa maninisid, at palabas sa kinaroroonan ng tubig). Ang ibang mga sistema ng iskuba na naimbento bago ang pagkakaimbento ng "Aqua-Lung" ay mga "sirkitong nakasara" (o "muling hinihingahan"). Sa ganitong mga aparato, ang gas na panghininga ay dumadaloy mula sa silindro papunta sa sumisisid, sa pamamagitan ng paglagos sa isang scrubber (literal na "pangkuskos" na may diwang "pantanggal", na nagtatanggal ng karbon dioksido), bumabalik sa isang pangalawang supot o "bag", at pabalik naman ulit sa maninisid, habang nasa loob ng isang katugon na "nakasarang silo" (paikut-ikot).
Ang Aqua-Lung ay hindi ang unang aparatong panghinga, subalit ito ang naging pinakatanyag. Noong 1934, pinaunlad ni René Commeinhes ang isang aparatong hingahan ng bombero na inangkop ng kaniyang anak na lalaking si Georges upang gamitin sa larangan ng pagsisid noong 1937. Ginamit ito ng Hukbong Pangdagat ng Pransiya noong unang mga taon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Aqua-Lung na mayroong kambal na tubo - na nakikilala bilang twin-hose o double hose sa Ingles, literal na mayroong "dalawang medyas" – ay ang mga ginagamit ding uri ng regulador sa kasalukuyan. Nakabatay ito sa teknolohiya ng diaphragm (ang makapal na litid na nasa pagitan ng dibdib at ng tiyan), na ang pagkakaiba lamang ay ang modernong bersiyon ng regulador ay "may isang tubo" habang ang dating berisyon ng regulador ay "mayroong dalawang tubo", kung saan nahihiwalay ang proseso ng pagbawas ng presyon sa dalawang mga hakbang: isa sa nasa silindro at ang isa pa ay sa nasa piyesang pambibig (moutpiece) na mayroong isang tubo o hose na panggitnang presyon (presyong pampagitan, intermediate pressure) na nasa gitna. Ang pangmakabagong panahong mga regulador ay hininlog magmula sa disenyo ng Australyanong si Ted Eldred, na nagpaunlad ng regulador na "Porpoise" (literal na baboybabuyan, isang hayop-dagat) sa Melbourne in 1949. Karaniwang itong tinatawag bilang iskubang "may isang tubo". Ang bersiyong moderno ay unang nakilala bilang isang regulador na piyesang pambibig (moutpiece regulator),[kailangan ng sanggunian] dahil sa ihinihiwalay nito ang balbula ng reduksiyon (balbulang pambawas) na nasa ibabaw ng tangke sa pamamagitan ng isang balbubang pampangangailangan ng piyesang pambibig, na ang dalawa ay pinag-uugnay sa pamamagitan ng isang tubo na mababa ang presyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mula kay Cousteau mismo, na siyang umimbento ng salita, ang pagbabaybay ay orihinal na Aqua-Lung. Tingnan ang Jacques-Yves Cousteau & Frédéric Dumas, Le Monde du silence, Éditions de Paris, Paris, 1953, Dépôt légal 1er Trimestre 1954 - Édition N° 228 – Impression N° 741 (nasa Pranses)
- ↑ Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Aqualung". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 119. - ↑ Ang mga regulador (tagapagregula o "pantimpla")—ang isang mula sa 1860 na inimbento ni Benoît Rouquayrol at ang may magkakambal na "medyas" (hose) na tipong Cousteau na inimbento noong 1943 nina Gagnan at Cousteau—ay tumanggap, na kapiling ang iba pa, ng pangalang régulateur (Pranses para sa Ingles na "regulator" o regulador). Para sa régulateur noong 1860, tingnan ang pahina ng aparatong Rouquayrol-Denayrouze na nasa websayt ng Musée du Scaphandre (isang museo ng pagsisid na nasa Espalion, timog ng Pransiya). Para sa salitang régulateur ayon sa pagkakagamit ni Cousteau mismo, tingnan ang pahina 8 sa unang edisyong Pranses ng aklat ni Cousteau na The Silent World (Ang Tahimik na Mundo): Jacques-Yves Cousteau & Frédéric Dumas, Le Monde du silence, Éditions de Paris, Paris, 1953, Dépôt légal 1er Trimestre 1954 – Édition N° 228 – Impression N° 741 (nasa Pranses).
- ↑ Avec ou sans bulles ? (Mayroon o walang mga bula?), isang artikulo (nasa wikang Pranses) ni Eric Bahuet, inilathala sa websayt ng plongeesout.com.
- ↑ Tala ng mga kompanyang Pranses na gumawa ng mga patente nina Rouquayrol at Denayroze (websayt ng Association les pieds lourds, nasa wikang Pranses).
- ↑ Jacques-Yves Cousteau with Frédéric Dumas, The Silent World (London: Hamish Hamilton, 1953).
- ↑ Websayt ng Musée du Scaphandre (isang museo ukol sa pagsisid na nasa Espalion, na nasa katimugan ng Pransiya), na nagbabanggit kung paano inangkop nina Gagnan at Cousteau ang isang aparatong Rouquayrol-Denayrouze sa pamamagitan ng kompanyang Air Liquide (nasa wikang Pranses).
- ↑ Paglalarawan ng aparatong Rouquayrol-Denayrouze na nasa websayt ng Musée du Scaphandre (isang museong nasa Espalion, na nasa timog ng Pransiya)
- ↑ Mabilisang inilarawan ni Cousteau ang dalawang mga prototipo ng Aqua-Lung na ginamit sa pelikulang Épaves noong 1943, nang banggitin ni Cousteau ang pinakamataas na presyon ng kaniyang mga silindro (sa wikang Pranses).
- ↑ Capitaine de frégate PHILIPPE TAILLIEZ, Plongées sans câble, Arthaud, Paris, Enero 1954, Dépôt légal 1er trimestre 1954 – Édition N° 605 – Impression N° 243 (nasa wikang Pranses)