Pumunta sa nilalaman

Araling pampelikula

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Araling pangsine)

Ang araling pampelikula (Ingles: film studies) ay isang disiplinang pang-akademiya na humaharap sa sari-saring mga pagharap sa mga pelikula na makateoriya, pangkasaysayan, at mapanuri. Paminsan-minsan itong ipinapailalim sa larangan ng araling pangmidya at kadalasang inihahambing sa araling pantelebisyon. Hindi gaanong nakatuon ang araling pampelikula sa masulong na kadalubhasaan sa paggawa ng pelikula (produksiyon ng pelikula) kaysa sa paggalugad nito sa mga kinahihinatnan ng sinema na pangpagsasalaysay, pangsining, pangkultura, pang-ekonomiya, at pampolitika.[1] Sa paghahanap para sa mga pagpapahalagang ito na panlipunan at pang-ideyolohiya, nagsasagawa ang araling pampelikula ng isang serye ng mahahalagang mga pagharap sa pagsusuri ng produksiyon, balangkas na pangteoriya, konteksto, at paglikha.[2] Sa ganitong diwa, ang disiplina ng araling pampelikula ay umiiral bilang isang larangan kung saan ang guro ay hindi palagiang gumaganap bilang pangunahing tagapagturo; ang tampok na pelikula mismo ang nagsisilbi para sa ganiyang tungkulin. Gayundin, sa pag-aaral ng pelikula, kabilang sa mga maaaring maging mga karerang panlarangan ang panunuri o paggawa ng pelikula. Sa pangkalahatan, ang pag-aaral ng pelikula ay nagpapatuloy sa paglaki, katulad din ng industriya ng pelikula na pinagtutuunan nito. Kabilang mga sa mga babasahing naglalathala ng mga gawain sa araling pampelikula ang Screen, Cinema Journal, at ang Journal of Film and Video.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Dyer, Richard. "Introduction." Film Studies: Critical Approaches. Oxford: Oxford UP, 2000. 1-8. Print.
  2. Sikov, Ed. "Introduction." Introduction pg.1-4. Film Studies: an Introduction. New York: Columbia UP, 2010. Nakalimbag. Google Books


EdukasyonPelikula Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon at Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.