Pumunta sa nilalaman

Argosya (barko)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Argosy (barko))

Ang argosya (Ingles: argosy, literal na "mayaman o maraming panustos", may kaugnayan sa salitang "kamalig") ay ang katawagan para sa isang uri ng malaking barkong pangkalakal. Maaari rin itong tumukoy sa isang pangkat ng mga bapor. Ang salita ay modipikasyon ng orihinal na sasakyang Italyano na ragusea (sasakyang Ragusano o Ragusan), mula sa Ragusa, Dalmatia (na ngayon ay Dubrovnik, Croatia) o kaya Venice. Unang ginamit ang salita noong 1581.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.