Pumunta sa nilalaman

Phenol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Asidong karboliko)

Ang phenol, na nakikilala rin bilang asidong karboliko o aksidong karboliko (Ingles: carbolic acid), ay isang langkapang organiko na mayroong pormulang pangkimika na C6H5OH. Isa itong solidong kristalinang puti ang kulay at sumisingaw. Ang molekula ay binubuo ng isang pangkat na phenyl (-C6H5) na nakagapos sa isang pangkat na hydroxyl (-OH). Bahagya itong asidiko (maasim), subalit nangangailangan ng maingat na paghawak dahil sa kalamangan na makapagsanhi ito ng mga pagkapaso.

Ang phenol ay unang nahugot magmula sa alkitran ng uling, ngunit sa ngayon ito ay nalilikha nang maramihan (humigit-kumulang sa 7 mga bilyong kilogramo bawat taon) magmula sa petrolyo. Isa itong mahalagang kalakal na pang-industriya na isang prekursor (nauuna) bago malikha ang maraming iba pang magagamit na mga materyal at mga langkapan (kompawnd).[1] Ang pangunahing gamit nito ay kinasasangkutan ng pagpapalit ng anyo nito upang maging mga plastik o kaugnay na mga materyal. Ang phenol at ang mga paghangong kemikal (mga deribatibong kemikal o mga hinlog na kemikal l) mula rito ay nagsisilbing susi para sa pagbuo ng mga polikarbonado, mga epoksi, Bakelite, nilon, deterhente, herbisidyo na katulad ng herbisidyong phenoxy, at maraming mga gamot na parmasyutikal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Manfred Weber, Markus Weber, Michael Kleine-Boymann. "Phenol" mula sa Ullmann's Encyclopedia of Industrial Chemistry, 2004, Wiley-VCH. doi:10.1002/14356007.a19_299.pub2.

Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.