Pumunta sa nilalaman

Asiria (lalawigang Romano)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Assyria (lalawigang Romano))
Provincia Assyria
Lalawigan ng ng Imperyong Romano

116–118
Panahon sa kasaysayan Sinauna
 -  Itinatag ni Trajano 116
 -  Nilisan ni Adriano 118
Ngayon bahagi ng  Iraq

Ang Asiria o Assyria ( /əˈsɪəriə/) ay isang lalawigang Romano na diumanong nagtagal lamang ng dalawang taon (116–118 AD).

Ayon kina Eutropius at Festus, na mga istoryador sa ikalawang hati ng ika-4 na siglo, sa panahon na ang emperador ng Roma na si Trajano ay itinurig bilang "isang mahalagang tularan para sa mga kasalukuyang kaganapan at personalidad", na isinulat sa ilalim ng direksiyon ni Emperador Valens, ang Asiria ay isa sa tatlong lalawigan (kasama ng Armenia at Mesopotamia) na nilikha ni Trajano noong AD 116 kasunod ng isang matagumpay na kampanyang militar laban sa Partia na sa taong iyon ay nakita siyang tumawid sa Ilog Tigris mula sa Mesopotamia at sumakop, sa kabila ng mga labanan, ng teritoryo ng Adiabene at pagkatapos ay magmartsa patungong timog sa kabesera ng Partia na Seleucia-Ctesiphon at sa Babilonya.[1]

Mayroong numismatikang katibayan para sa mga lalawigang Trajano ng Armenia at Mesopotamia, ngunit wala para sa Asiria, na ang pag-iral ay dinuda nina C.S. Lightfoot at F. Miller.[2][3][4]

Sa kabila ng tagumpay sa militar ng Roma, ang pananakop ni Trajano ng 116 ay sinalanta ng mga kahirapan. Mula sa simula, isang prinsipeng Parto na nagngangalang Santruces ay nag-organisa ng isang armadong pag-aalsa ng mga katutubo, kung saan pinatalsik ang mga Romanong garison mula sa kanilang puwesto at pinatay ang isang Romanong heneral habang sinubukan ng mga hukbo na pigilan ang himagsikan.[5] Pinangibabawan ni Trajano ang pag-aalsa, nakuha at sinusunog ang Seleucia at Edessa, at nagawa pang magtalaga ng isang papet na haring Parto; ngunit pagkatapos, sa kaniyang paglalakbay pauwi mula sa tagumpay, nagkasakit siya at namatay noong 8 Agosto 117.[1]

Ang kahalili ni Trajano, si Adriano, ay nagpatupad ng isang bagong patakaran kaugnay sa mga kamakailang nakuha na teritoryo sa silangan. Sa paniniwalang nasobrahan nila ang imperyo, umatras siya sa mas madaling mapagtanggol na mga hangganan.[6][7] Iniwan niya ang hindi natapos na gawain ng pagsakop sa mga Parto, na nakita niya na mangangailangan ng labis na pagtaas sa paggastang militar. Ipinadala niya ang papet na haring Parto sa iba pang lugar at ibinalik sa dating pinuno ang mga lupain sa silangan ng Eufrates, kasama ang kaniyng anak na babae na nahuli, ginusto na manirahan kasama niya nang payapa at mapagkaibigan.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]