Pumunta sa nilalaman

Asterix (karakter)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Asterix
Wangis ni Asterix.
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDargaud (Pransiya)
Unang paglabasPilote #1 (29 Oktubre 1959)
TagapaglikhaRené Goscinny at Albert Uderzo
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanAstérix (Pranses)
Kasaping pangkatAng maliit na bayan ng mga Gaul.
KakayahanPambihirang kapangyarihan makaraang uminom ng isang likidong tinimpla ng druid na si Getafix.

Si Asterix ay isang karakter sa komiks istrip na may parehong pangalan. Nagmula sa Pransiya, nilikha ito nina René Goscinny (panulat) at Albert Uderzo (guhit). Namatay si Goscinny noong 1977 at nagpatuloy si Uderzo sa pagguhit at pagsulat ng mga serye. Naging mga pelikula at larong pambidyo ang mga kuwento. Nagkaroon din ng isang liwasang panlibangan.

Isang serye ang The Adventures of Asterix [Ang mga Pakikipagsapalaran ni Asterix] (Pranses: Astérix o Astérix le Gaulois [Si Asterix, ang Gaul]) ng mga pakikibaka ng isang bayan ng mga Galo laban sa paglusob ng mga Romano. Nagbibigay ng pambihirang lakas sa isang tao ang likidong niluluto sa Getafix. Karaniwang ginagamit ang inumin para mabigyan ng nakakatawang epekto sa komiks.

Sinopsis ng karakter

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Albert Uderzo, ang lumikha sa mga nakaguhit na wangis ni Asterix.

Isang Gaul si Asterix, ang pangunahing tauhan, isang miyembro ng tribong Selta na nanirahan sa Pransiya ng maraming taon na ang nakararaan. Nananahan siya sa isang maliit na bayan sa Gaul (Matandang Pransiya) sa kapanahunan ni Julius Caesar. Di-katulad sa kalahatan ng Gaul, hindi nasakop ng mga Romano ang bayang ito, dahil umiinom ang mga mamamayan ng bayan ng isang pambihirang inumin na tinitimpla ng isang druid. Maraming mga naging pakikipagsapalaran si Asterix kasama ang kaniyang kaibigang si Obelix, katulad ng isang paulit-ulit na eksena kung saan nagmumula ang mga taong-bayan mula sa kanilang bayan para labanan ang mga lumulusob na mga Romano, na madali at walang pagod nilang nagagawa kung kaya't itinuturing nila ang pakikipaglaban bilang isang larong pampalakasan at libangan lamang. Sa maraming pagkakataon, naging sanhi ang patuloy na pakikibakang ito sa paglalakbay ng mga pangunahing tauhan sa maraming mga bansa sa Europa, maging sa Britanya, Ehipto, Amerika, Indiya at iba pang mga pook sa Europa, na nakalahad sa iba-ibang mga aklat, habang sa loob naman ng bayan nila o sa paligid lamang nito ang iba pang mga pangyayari.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]