Pumunta sa nilalaman

Atlas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Atlas (mitolohiya))
Farnese Atlas, isang 2nd century kopyang Roman ng gawang Hellenistic (Napoli)

Sa Mitolohiyang Griyego, si Atlas ay isang Titan na nagsilbing suporta ng Himpapawid. Si Atlas ay anak ng Titanong Iapetus at si Asia[1] o Klyménē (Κλυμένη):[2]

"Ngayon kinuha ni Iapetus bilang asawa and dalagang si Clymene, anak na babae ng Ocean, at nagsiping. At nagbigay buhay siya sa isang anak na lalaki na matapang, si Atlas: ipinanganak niya rin ang tunay na maringal na si Menoetius at ang matalino na Promiteyus, na puno ng iba't-ibang mga kalokohan, at ang magulong si Epimetheus.[3]

Si Hyginus ang nagpalakas sa sinaunang kalikasan ni Atlas mula sa simula sa pamamagitan ng pagiging anak na lalaki ni Aether at Gaia.[4] Sa konteksto kung saan ang isang Titan at isang Titaness ay may mga nakatalagang bawat isa sa mga pitong kapangyarihang pamplaneta, si Atlas ay ipinaparis kay Phoebe na namamahala ng buwan.[5] Siya ay may tatlong kapatid na lalaki - Promiteyus, Epimetheus at Menoetius.

Ang etimolohiya ng pangalang Atlas ay hindi pa nakakahanap ng sagot at kasalukuyang nasa debate. Si Virgil ang masiyahang kumuha ng ibig sabihin ng Atlas galing sa Griyego: para as kanya, ang Atlas ay durus, "matigas, matatag",[6] na isinuhuwestyon ni George Doig [7] na alam niya na si Vigil ay alam ang salitang Griyego τλήναι "maging matatag"; Ipinapalagay pa ni Doig na si Vigil ay may nalalaman sa kaalaman ni Strabo na ang Hilagang Amerikanong pangalan para sa bundok ay Douris.[8]

Ilang mga bihasa sa linguistika Proto-Indo-Europeano na nagsasabi na ang salitang ugat ay ang *tel, 'patatagin, suporta'; sinasabi naman ng iba na ito ay isang pangalang pre-Indo-Europeano. Ang Etruskanong, aril, ay may malayang etimolohiya.[9]

Munumento ni Atlas, Praza do Toural, Santiago de Compostela

Inilarawan ng ilan bilang si Atlas ay isang ama, sa pamamagitan ng iba't-ibang mga dyosa, ng maraming anak, maraming anak na babae. Ang ilan sa mga ito ay may mga nakatalagang magkakontrahan o magkasanib identities o angkan sa iba't-ibang mga mapagkukunan.

  • Sa pamamagitan ng Hesperis:
  • Sa pamamagitan ng ilang mga di kilalang Diyosa:

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pseudo-Apollodorus, Bibliotheke i.2.3.
  2. Hesiod (Theogony 359 [as a daughter of Tethys], 507) gives her name as Clymene but Apollodorus (1.8) gives instead the name Asia, as does Lycophron (1411). It is possible that the name Asia became preferred over Hesiod's Clymene to avoid confusion with what must be a different Oceanid named Clymene, who was mother of Phaethon by Helios in some accounts.
  3. Hesiod, Theogony 371
  4. Hyginus, Preface to Fabulae.
  5. Classical sources: Homer, Iliad v.898; Apollonius Rhodius ii. 1232; Bibliotheke i.1.3; Hesiod, Theogony 113; Stephanus of Byzantium, under "Adana"; Aristophanes Birds 692ff; Clement of Rome Homilies vi.4.72.
  6. Aeneid iv.247: "Atlantis duri" and other instances; see Robert W. Cruttwell, "Virgil, Aeneid, iv. 247: 'Atlantis Duri'" The Classical Review 59.1 (May 1945), p. 11.
  7. George Doig, "Vergil's Art and the Greek Language" The Classical Journal 64.1 (October 1968, pp. 1-6) p. 2.
  8. Strabo, 17.3; since the Atlas mountains rise in the region inhabited by Berbers, it has been suggested that the name might be taken from one of the Berber languages, specifically adrar "mountain".
  9. Paolo Martino, Il nome Etrusco di Atlante (Rome: Università di Roma) 1987.
  10. Diodorus Siculus, The Library of History 4.26.2
  11. Hyginus, Astronomica 2.21; Ovid, Fasti 5.164
  12. 12.0 12.1 Hyginus, Fabulae 192
  13. Hesiod, Works and Days 383; Apollodorus, 3.110; Ovid, Fasti 5.79
  14. Homer, Odyssey 1.52; Apollodorus, E7.23
  15. Hyginus, Fabulae 82, 83
  16. Pausanias, Guide to Greece 8.12.7, 8.48.6

Padron:Robot