Pumunta sa nilalaman

Apolo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Helios)
Si Apollo.

Si Apolo, Apollo o Apollon ay ang diyos ng liwanag at musika sa mitolohiyang Griyego. Anak siyang lalaki ni Zeus kay Leto (Latona), na anak na babae ng isang Titano. Kapatid at kakambal siyang lalaki ni Artemis. Apollo rin ang tawag sa kanya sa mitolohiyang Romano. Binabansagan din siyang Phoibos o Phoebus na nangangahulugang maliwanag, nakasisilaw, o nagliliyab dahil sa kanyang angking kabataan at kaakit-akit na mukha, kaya't ikinakabit siya sa araw o bilang diyos ng araw na si Helios sa Griyego o Sol sa Romano.[1][2] Kilala siya ng mga Etruskano bilang Apulu o Aplu.[1]

Bilang diyos ng araw, lagi siyang maaasahan ng tao hinggil sa katotohanan at maging ng kagandahan, sapagkat walang kadilimang nagmumula kay Apollo. Wala ring mabangis na pag-uugali o pag-init ng ulo at galit. Wala ring takot.[2]

Bilang diyos ng tugtugin, lumilikha at tumutugtog si Apollo ng musika mula sa isang ginintuang kudyapi o lira. Ngunit isa rin siyang diyos na bihasa sa pagpana, na nagmamay-ari at naghahawak ng sandatang pilak na pana.[1][2]

Isa siyang diyos na gumagabay sa tao upang malaman ang "kagustuhang banal". Bilang tagasunod ni Apollo, nagtuturo ang kanyang orakulong nasa templo niya sa Delphi ng mga ukol sa sining, pagbibigay lunas, at panggagamot o pagpapagaling.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Apollo, Apulu". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107 at 235.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Apollo, God of the Sun". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 360.