Aletheia
Ang aletheia (Sinaunang Griyego: ἀλήθεια) ay katotohanan o pagsisiwalat sa pilosopiya. Ginamit ito sa Sinaunang pilosopiyang Griyego at muling ibinuhay sa ika-20 siglo ni Martin Heidegger.
Isinasalin ang Aletheia sa iba't ibang paraan bilang "di-pagkakasarado", "di-nakatago", "pagsisiwalat" o " katotohanan". Ang literal na kahulugan ng salitang ἀ–λήθεια ay "ang kalagayan ng hindi nakatago; ang kalagayan ng pagiging halata." Nangangahulugan din ito ng pagiging totoo o katotohanan.[1] It is the opposite of lethe, which literally means "oblivion", "forgetfulness", or "concealment".[2] Ito ang kabaligtaran ng lethe, na literal na nangangahulugang "limot", "pagkalimot", o "pagtatago". Ayon sa Unang Olimpyanong Oda ni Pindar,[3] si Aletheia ay anak ni Zeus, habang nakabanggit sa Pabula ni Esopo [4] na nilikha siya ni Prometeo.
Heidegger at aletheia
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa unang bahagi hanggang kalagitnaan ng ika-20 siglo, nagtawag-pansin si Martin Heidegger sa konsepto ng aletheia, sa pag-uugnay nito sa ideya ng pagsisiwalat, o ang paraan na lumilitaw ang mga bagay bilang mga entidad sa mundo. Noong una, tinukoy niya ang aletheia bilang "katotohanan", espesipikong binanggit bilang isang anyong nanguna sa panahon ni Socrates, sa kalaunan ay iniwasto ni Heidegger ang interpretasyong ito at nagsulat:
Upang magtanong ng aletheia, ng pagsisiwalat ng tulad nito, ay hindi katulad ng pagtatanong ng katotohanan. Sa kadahilanang ito, hindi sapat at nakaliligaw na tawagan ang aletheia, sa diwa ng pagbubukas, katotohanan."[5]
Nagbigay si Heidegger ng pagsusuring etimolohikal ng aletheia at iginuhit ang pag-unawa sa katawagan bilang 'di-nakatago'.[6] Sa gayon, naiiba ang aletheia sa mga pagkaintindi ng katotohanan na nauunawaan bilang mga pahayag na tumpak na naglalarawan ng isang katayuan ng mga mpangyayari (pakikipagtalastasan), o mga pahayag na akmang-akma sa isang sistema sa kabuuan (pagkakaugnay-ugnay). Sa halip, nakatuon si Heidegger sa paglalahad ng kung paano ang isang "mundong" ontolohikal ay isinisiwalat, o binubuksan, kung saan ang mga bagay ay ginagawang mauunawaan para sa mga tao sa unang-una, bilang bahagi ng isang kalahatang nakabalangkas na sanligan ng kahulugan.
Isinulat din ni Heidegger na " Ang aletheia, pagsisiwalat na itinuturing bilang pagbubukas ng presensya, ay hindi pa katotohanan. Mas mababa ba sa katotohanan ang aletheia? O kaya naman ay mas mataas ito dahil una, nagkakaloob ito sa katotohanan ng adequatio at certitudo, dahil hindi maaaring magkaroon ng presensya at pagtatanghal sa labas ng dako ng pagbubukas?"[7]
Sinimulan ni Heidegger ang kanyang diskurso sa muling pagkilala ng aletheia sa kanyang obra maestra, Being and Time (1927),[8] at pinalawak ang konsepto sa kanyang Introduction to Metaphysics (Panimula sa Metapisika). Para sa higit pa tungkol sa kanyang pag-unawa sa aletheia, tingnan ang Poetry, Language, and Thought (Tula, Wika, at Isip), lalo na ang sanaysay na pinamagatang "The Origin of the Work of Art" (Ang Pinagmulan ng Likhang-Sining), na naglalarawan sa halaga ng likhang-sining bilang isang paraan upang magbukas ng "pasukan" para sa paglilitaw ng mga bagay sa mundo, o upang ibunyag ang kanilang kahulugan para sa mga tao.[9] Binago ni Heidegger ang kanyang pananaw sa aletheia bilang katotohanan, pagkaraan ng halos apatnapu't taon, sa sanaysay na "The End of Philosophy and the Task of Thinking," (Ang Katapusan ng Pilosopiya at Ang Gawain ng Pag-iisip) sa On Time and Being.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Epistemolohiya
- Terminolohiyang Heideggeriano
- Metapisika
- Neorealismo (sining)
- Mapanimdim na pagsisiwalat
- Katotohanan
- Veritas
- Pagsisiwalat ng mundo
- 259 Aletheia
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ ἀλήθεια. Liddell, Henry George; Scott, Robert; A Greek–English Lexicon sa Perseus Project.
- ↑ λήθη. Liddell, Henry George; Scott, Robert; A Greek–English Lexicon sa Perseus Project.
- ↑ Pindar Olympian Ode.11.6 ff (trans. Conway) (Greek lyric C5th B.C.)
- ↑ Aesop, Fables 530 (from Phaedrus Appendix 5)
- ↑ Martin Heidegger, On Time and Being (New York: Harper and Row, 1972), p. 70, translation amended. The original in Zur Sache des Denkens (Tübingen: Max Niemayer, 1969), p. 86. Cited in Nikolas Kompridis, Critique and Disclosure: Critical Theory between Past and Future, (Boston: MIT Press, 2006), p. 188.
- ↑ Heidegger, M. "Parmenides". Translated by Andre Schuwer and Richard Rojcewicz, Bloomington and Indianapolis, Indiana University Press, 1992.
- ↑ Martin Heidegger, On Time and Being (New York: Harper and Row, 1972), p. 69, translation amended. Cited in Nikolas Kompridis, Critique and Disclosure: Critical Theory between Past and Future, (Boston: MIT Press, 2006), p. 189.
- ↑ Heidegger, M. Being and Time. translated by Joan Stambaugh, Albany, State University of New York Press, 1996.
- ↑ According to Heidegger, art "gives things their look, and human beings their outlook." From "The Origin of the Work of Art."
Karagdagang pagbabasa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Babette E. Babich, “From Van Gogh’s Museum to the Temple at Bassae: Heidegger’s Truth of Art and Schapiro’s Art History.” Culture, Theory & Critique. 44/2 (2003): 151-169