Hecate
Hecate | |
---|---|
Diyosa ng mahika, mga sangang-daan, mga multo, at nekromansya | |
Tirahan | Mundong Ilalim |
Symbol | Lambal na mga sulo, mga aso, mga ahas, mga susi, polecat, at mga balaraw |
Konsorte (Asawa) | Hermes, Helius, Mormo |
Mga magulang | Perses at Asteria |
Offspring | Circe, Scylla, Aietes, Pasiphae, Empusa; Pan (sa ibang mga salaysay) |
Katumbas na Romano | Trivia |
Si Hecate o Hekate (Griyego, Hekátē) ay isang diyosa sa Sinaunang Griyegong relihiyon at mitolohiya, karaniwang ipinakikita na may hawak na dalawang sulo o ng isang susi.[1] Siya ay madalas na nauugnay sa sangang-daan, mga pasukang daanan, ilaw, mahika, pangkukulam, kaalaman ng mga yerba at nakalalasong mga halaman, mga multo, nekromansya, at panggagaway.[2][3] Ang lugar ng pinagmulan ng kanyang mga tagasunod ay di-tiyak, ngunit naiisip na siya ay nagkaroon ng mga sikat na mga tagasubaybay sa Thrace.[4] Siya ay isa sa mga pangunahing diyos na sinamba sa mga Atenong kabahayan bilang isang tagaprotektang diyosa at kung sino ang nagkakaloob ng kasaganaan at ng pang araw-araw na mga biyaya sa pamilya.[5][6][7]
Mga pagdiriwang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Hecate ay sinamba ng parehong mga Griyego at Romano na nagkaroon ng kanilang sariling mga pagdiriwang na inihandog sa kanya.
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The Running Maiden from Eleusis and the Early Classical Image of Hekate by Charles M. Edwards in the American Journal of Archaeology, Vol. 90, No. 3 (Jul., 1986), pp. 307–318
- ↑ "HECATE : Greek goddess of witchcraft, ghosts & magic ; mythology ; pictures : HEKATE".
- ↑ d'Este, Sorita & Rankine, David, Hekate Liminal Rites, Avalonia, 2009.
- ↑ Walter Burkert, (1987) Greek Religion: Archaic and Classical, p. 171.
- ↑ Encyclopedia Britannica, Hecate, http://www.britannica.com/EBchecked/topic/259138/Hecate
- ↑ "Bryn Mawr Classical Review 02.06.11" Naka-arkibo 2013-10-22 sa Wayback Machine..
- ↑ Sarah Iles Johnston, Hekate Soteira, Scholars Press, 1990.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.