Mga Museong Batikano
Mga Museong Batikano | |
---|---|
Musei Vaticani | |
Itinatag | 1506 |
Kinaroroonan | Vatican City |
Mga panauhin | 4,310,083 (2008)[1] |
Dikector | Antonio Paolucci |
Pook sa internet | http://www.museivaticani.va |
Ang Mga Museong Batikano (Italyano: Musei Vaticani), na nasa Viale Vaticano ng Roma, sa loob ng Lungsod na Batikano, ay nasa piling ng pinakakahanga-hangang mga museo sa buong mundo, dahil nagpapamalas sila ng mga gawa magmula sa napakalaking kalipunang naitatag ng Simbahang Katoliko Romano sa paglipas ng mga daantaon, kabilang na ang ilan sa pinakabantog sa mundo na mga lilok na pangklasika at pinakamahahalagang mga dibuho ng sining noong panahon ng Renasimyento.
Itinatag ni Papa Julio II ang mga museo noong kaagahan ng ika-16 daantaon. Ang Kapilyang Sistina, na ang kisame ay pinalamutian ni Michelangelo at ang Stanze della Segnatura na dinikorasyunan ni Raphael ay nasa ruta ng mga panauhan sa pamamagitan ng pagdaan sa Mga Museong Batikano. Ang mga ito ay dinalaw ng 4,310,083 mga tao noong 2007.[1] Lumampas sa naunang mga pagtatala o mga rekord ng pagdalo o pagbisita noong 2011 na umabot sa 5 milyong katao.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining at Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.