Pumunta sa nilalaman

Mga Museong Batikano

Mga koordinado: 41°54′23″N 12°27′16″E / 41.90639°N 12.45444°E / 41.90639; 12.45444
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga Museong Batikano
Musei Vaticani
Itinatag1506
KinaroroonanVatican City
Mga panauhin4,310,083 (2008)[1]
DikectorAntonio Paolucci
Pook sa internethttp://www.museivaticani.va

Ang Mga Museong Batikano (Italyano: Musei Vaticani), na nasa Viale Vaticano ng Roma, sa loob ng Lungsod na Batikano, ay nasa piling ng pinakakahanga-hangang mga museo sa buong mundo, dahil nagpapamalas sila ng mga gawa magmula sa napakalaking kalipunang naitatag ng Simbahang Katoliko Romano sa paglipas ng mga daantaon, kabilang na ang ilan sa pinakabantog sa mundo na mga lilok na pangklasika at pinakamahahalagang mga dibuho ng sining noong panahon ng Renasimyento.

Itinatag ni Papa Julio II ang mga museo noong kaagahan ng ika-16 daantaon. Ang Kapilyang Sistina, na ang kisame ay pinalamutian ni Michelangelo at ang Stanze della Segnatura na dinikorasyunan ni Raphael ay nasa ruta ng mga panauhan sa pamamagitan ng pagdaan sa Mga Museong Batikano. Ang mga ito ay dinalaw ng 4,310,083 mga tao noong 2007.[1] Lumampas sa naunang mga pagtatala o mga rekord ng pagdalo o pagbisita noong 2011 na umabot sa 5 milyong katao.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Dossier Musei 2008 – Touring Club Italiano" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-12-17. Nakuha noong 2013-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

SiningArkitektura Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining at Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Padron:Rome museums

41°54′23″N 12°27′16″E / 41.90639°N 12.45444°E / 41.90639; 12.45444