Pumunta sa nilalaman

Nayade

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Naiad)
Para sa tauhang pangkomiks, puntahan ang Naiad (komiks).
Isang Nayade.

Sa mitolohiyang Griyego, ang mga Nayade, Naiad, Naiade, o Naiades (Ναϊάδες, mula sa Griyegong νάειν, "dumaloy," at νἃμα, "dumadaloy na tubig"; Ingles: Naiad, Kastila: Náyade) ay mga uri ng diwata o nimpang pangtubig na namamahala ng mga bukal, balon, at batis[1], at pati na ng mga ilog at mga lawa. Mga anak na babae sila ni Zeus na pinaniniwalaang imortal at nagmamay-ari ng kakayahan sa propesiya o panghuhula.[2] Kaiba sila mula sa mga diyos ng ilog, na kumakatawan sa mga kailugan, at kaiba rin sila mula sa napakasinaunang mga espiritung naninirahan sa mga hindi gumagalaw na mga katubigan ng mga latian at mga lawa, katulad ni Lerna ng Argolid ng kapanahunang bago ang paglitaw ng mga Miseneo. Kaugnay ang mga Nayade ng tubig-tabang, hindi katulad ng mga Oceanid na pangtubig-alat at hindi rin katulad ng mga Nereid na para sa Mediteraneo. Subalit dahil sa inisip ng mga Griyegong iisa lamang ang mga sistemang pangkatubigan ng mundo, na sumasala, sumasayad, o lumilikot sa mga karagatan sa sa malalalim na mga espasyo ng kuweba sa loob ng daigdig, nagkaroon ng pagkakapatung-patong sa konsepto. Nakadaraan si Arethusa, ang nimpa ng sapa sa mga subteraneo o pang-ilalim ng lupang mga daloy ng tubig magmula sa Peloponnesus upang lumitaw sa ibabaw ng lupa sa pulo ng Sicilia.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fisher, Bob. "Naiads". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-11. Nakuha noong 2008-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2018-09-11 sa Wayback Machine.
  2. "Naiads". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng titik na N, pahina 429.

MitolohiyaGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.