Terpsichore

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang estatwa ni Terpsichore.

Sa mitolohiyang Griyego, si Terpsichore (play /tərpˈsɪkər/; Τερψιχόρη na may ibig sabihing "katuwaan sa pagsasayaw"), na binabaybay din bilang Terpsicore o Terpsicores, ay isa sa siyam na mga Musa, na pinuno ng sayaw at ng dramatikong koro. Ipinahiram niya ang kaniyang pangalan sa salitang terpsikoreano (Ingles: terpsichorean) na may kahulugang "ng o ukol sa sayaw". Karaniwan siyang inilalarawan bilang nakaupo, na mayroong tangan na lira, habang sinasaliwan ng kaniyang tugtugin ang mga koro ng mga mananayaw. Paminsan-minsan, ayon kay Achelous, sinasabing siya ang ina ng mga Sirena. Nagmula ang kaniyang pangalan sa mga salitang Griyegong τέρπω ("katuwaan") at χoρός ("sayaw").


MitolohiyaGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.