Pumunta sa nilalaman

Pisikang atomiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Atomic physics)

Ang pisikang atomiko o pisikang pang-atomo (Ingles: atomic physics) ay ang teoriya sa kayarian at komposisyon ng mga atom. Ang kayarian ng mga atom ay may pananagutan sa kung paano nagkakahitsura ang lahat ng mga bagay at kung paano kumikilos o umaasal ang mga bagay.[1] Bilang larangan ng pisika, ang pisikang atomiko ang nag-aaral ng mga atom bilang isang nakabukod na sistema ng mga elektron at ng isang atomikong nukleyus. Pangunahin itong nakatuon sa kaayusan ng mga elektron na nakapaligid sa nukleyus at ang mga prosesong nakapagdurulot ng pagbabago sa mga kaayusang ito. Kabilang dito ang mga iyono (ion) pati na mga neyutral na atom at, maliban na lamang kung binanggit na taliwas dito, para sa mga layunin ng talakayang ito, dapat na ituring na ang katagang atom ay kinasasamahan ng mga iyono.

Ang katagang pisikang atomiko ay kadalasang may kaugnayan sa lakas nukleyar at mga bombang nukleyar, dahil sa masingkahulugang pagamit ng atomiko at nukleyar sa pamantayang Ingles. Subalit, pinaghihiwalay ng mga pisiko (mga pisista) ang pisikang atomiko at ang pisikang nukleyar. Ang pisikang atomiko ay hinaharap ang atom bilang isang sistema na binubuo ng isang nukleyus at mga elektron; habang ang pisikang nukleyar ay nag-iisang sumasaalang-alang lamang sa mga atomikong nukleyus.

Katulad ng maraming iba pang mga larangang pang-agham, ang mahigpit na pagbubukud-bukod ay maaaring maging napaka panghaka-haka, at ang pisikang atomiko ay kadalasang isinaalang-alang sa loob ng mas malawak na diwa ng pisikang pang-atom, pangmolekula, at optikal. Ang mga pangkat ng mga mananaliksik sa larangan ng pisika ay karaniwang napaka inililihim (nasa kaurian ng paglilihim).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.