Pumunta sa nilalaman

Austria-Unggriya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Austria–Hungary)
Monarkiyang Austro-Hungaro
Österreichisch-Ungarische Monarchie (Aleman)
Osztrák–Magyar Monarchia (Hungaro)
1867–1918
Eskudo ng Austria-Hungriya
Eskudo
Salawikain: Indivisibiliter ac inseparabiliter
"Di-mahahati at di-mahihiwalay"
Awitin: Gott erhalte, Gott beschütze
("Diyos ipreserba, Diyos iprotekta")
Kabisera
Pinakamalaking lungsodVienna
Wikang opisyalGerman
Hungarian
KatawaganAustro-Hungarian
PamahalaanConstitutional dual monarchy
Emperor-King 
• 1867–1916
Franz Joseph I
• 1916–1918
Karl I & IV
Minister-President of Austria 
• 1867 (first)
F. F. von Beust
• 1918 (last)
Heinrich Lammasch
Prime Minister of Hungary 
• 1867–1871 (first)
Gyula Andrássy
• 1918 (last)
Mihály Károlyi
LehislaturaTwo national legislatures
Panahon
30 March 1867
7 October 1879
6 October 1908
28 June 1914
28 July 1914
31 October 1918
12 November 1918
16 November 1918
10 September 1919
4 June 1920
Lawak
1905[1]621,538 km2 (239,977 mi kuw)
Salapi
Pinalitan
Pumalit
Austrian Empire
Legal successors:
Austria
Hungary
Other territorial successors:
Czechoslovakia
Poland
West Ukraine
Yugoslavia
Romania
Italy

Ang Austria-Hungriya (Aleman: Österreich-Ungarn; Hungaro: Ausztria–Magyarország), pormal na Monarkiyang Austro-Hungaro, ay ang naging pagsasanib ng Imperyo ng Austria at ng Kaharian ng Hungary na umiral mula 1867 hanggang ito'y lansagin dulot ng pagkatálo nito sa Unang Digmaang Pandaigdig noong 1918. Ang pagsasanib ay bunga ng Austro-Hungarian Compromise ng 1867 na ipinatupad noong 30 Marso 1867. Binubuo ng dalawang monarkiya ang Austria-Hungary (Austria at Hungary), at ng isang awtonomong rehiyon: ang Kaharian ng Croatia-Slavonia na nasa ilálim ng korona ng Hungary na siyang nakipagnegosasyon para sa Croatian–Hungarian Settlement (Nagodba) noong 1868. Pinamunuan ito ng Dinastiyang Hapsburg, at siyang naging huling kabanata ng ebolusyon ng Monarkiyang Habsburg. Kasunod ng mga reporma noong 1867, naging magkapantay ang mga estado ng Austria at ng Hungary. Magkasámang nitong pinamamahalaan ang ugnayang panlabas at ang militar, ngunit ang lahat ng iba pang kagawaran ng pamahalaan ay pinaghatian at kaniya-kaniya nitong pinamahalaan.

Isang estadong multinasyonal ang Austria-Hungary at isa sa mga pinakamakapangyarihang bansa noong panahong iyon. Sa lawak nitong 621,538 km², ito ang ikalawang pinakamalawak na bansa sa Europa, kasunod ng Imperyong Ruso, at ikatlo sa pinakamatáo (kasunod ng Rusya at Imperyong Aleman). Naitayô ng imperyo ang ikaapat na pinakamalaking industriya ng pagawaan ng makina sa buong mundo, kasunod ng Estados Unidos, Alemanya, at ng United Kingdom.[2] Naging ikatlong pinakamalaking tagagawa at tagaluwás ng mga elektronikong kagamitang pambahay at pang-industriya, at mga aparatong panlikha ng kuryente para sa mga planta ng kuryente, kasunod ng Estados Unidos at Imperyong Aleman.

Galerya ng bandila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Headlam, James Wycliffe (1911). "Austria-Hungary" . Sa Chisholm, Hugh (pat.). Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 3 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. pp. 2–39.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Schulze, Max-Stephan (1996). Engineering and Economic Growth: The Development of Austria-Hungary's Machine-Building Industry in the Late Nineteenth Century (sa wikang Ingles). Peter Lang (Frankfurt). p. 295.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)