Autokrasya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang autokrasya ay isang uri ng pamahalaan na kung saan nasa kamay ng iisang tao lamang ang kapangyarihang mamahala. Maaaring hari, reyna, emperador o diktador ang pinuno sa pamahalaan. Halimbawa, bago dumating sa Pilipinas ang mga espanyol, naging maliliit na hari ang mga datu at sultan sa kani-kanilang nasasakupan. Sila ang gumawa ng sariling batas; sila ang nagpatupad ng mga batas; at sila rin ang naging hukom.

Kabilang sa pamahalaang autokratiko ang lubos na monarkiya at diktadurya. Pero kabilang naman sa uri ng demokrasiya ang monarkiyang konstitusyonal na may takda ang kapangyarihan ng hari at reyna.