Ayahuasca
Ang Ayahuasca na karaniwang tinatawag na yagé ay isang pinakulong inumin ng iba't ibang mga sikoaktibong impusyon o dekoksiyon na inihanda gamit ang baging na Banisteriopsis caapi. Ito ay hinahalo sa mga dahon na mga palumpong mula sa henus na Psychotria na naglalaman ng dimethyltryptamine(DMT) o mga dahon ng halamang Justicia pectoralis na hindi naglalaman ng DMT. Ito ay unang inilarawan sa akademiya noong maagang 1950 ng etnobotanista ng Harvard na si Richard Evans Schultes na nagtagpuan nitong ginagamit para sa mga paggamit ng dibinatoryo at pagpapagaling ng mga katutubong tao ng Amasoniyanong Peru.
Mga epekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga taong uminom ng ayahuasca ay nag-ulat ng malaking mga pahayag na espiritwal tungkol sa kanilang silbi sa mundo, ang tunay na kalikasan ng uniberso gayundin ang malalim na kabatiran sa kung paano sila magiging mabuting tao sa posibleng magagawa nila. [1] Ang pag-inom nito ay nakikita ng marami bilang isang pagkamulat na espiritwal at palaging inilalarawan bilang muling kapanganakan.[2]
Sa karagadagan, karagdagang iniulat na ang mga indibidwal na uminom nito ay nakalapit sa mas mataas na mga dimensiyong espiritwal at nagawang makipag-ugnayan sa mga entidad na ekstra dimensiyonal na nagsilbing mga gabay o mga manggagamot.[3]
Sinasabing ang mga tao na uminom nito ay nakaranas ng malalim na mga positibong pagbabago sa kanilang buhay.[4] Ito ay kadalasang nakikita bilang isa sa pinakaepektibong mga kasangkapan ng kaliwanagan.[5]
Ang mga epektong sikedeliko ng ayahuasca ay kinabibilangan ng mga stimulasyong pangpaningin at pangpandinig, paghahalo ng mga modalidad na pandama at introspeksiyong sikolohikal na maaaring tumungo sa malaking elasyon, takot o iluminasyon. Ang mga katangiang pampurga nito ay mahalaga. Ang masidhing pagsusuka o pagtatae ay naglilinis ngkatawan ng mga bulate at ibang mga parasito.
Paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Ayahuasca ay malaking ginagamit bilang isang sakramentong relihiyoso. Ang mga gumagamit nito sa mga hindi tradisyonal na konteksto ay kadalasang naglilinya ng kanilang mga sarili sa mga pilosopiya at kosmolohiyang nauugnay sa shamanismong ayahuasca gaya ng sinasanay ng mga katutubong tao tulad ng mga Urarina ng Peruvian Amazonia.[6]Ang hindi tradisyonal na paggamit nito ay nakatuon sa mga epektong medisinal nito. Kapag ginamit sa mga silbing medisinal, ang ayahuasca ay umaapekto sa kamalayan ng tao sa kaunting anim na oras. Ito ay may mga epektong kardibaskular na nagpapataas ng pagtibok ng puso at presyong diastoliko ng dugo. Sa ilang mga kaso, ang mga uminom nito ay nakaranas ng sikoloikal na stress at kaya sa dahilang ito ay kailangan ng pag-iingat sa mga may sakit sa puso.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gorman, Peter (2010). Ayahuasca in My Blood: 25 Years of Medicine Dreaming. ISBN 1452882908.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Campos, Don Jose (2011). The Shaman & Ayahuasca: Journeys to Sacred Realms. pp. 67–70.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Metzer, Ralph (1999). Ayahuasca: Human Consciousness and the Spirits of Nature. pp. 46–55.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Campos, Don Jose (2011). The Shaman & Ayahuasca: Journeys to Sacred Realms. pp. 25–28.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Metzer, Ralph (1999). Ayahuasca: Human Consciousness and the Spirits of Nature. pp. 22–23.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dean, Bartholomew (2009). Urarina Society, Cosmology, and History in Peruvian Amazonia. Gainesville: University Press of Florida. ISBN 978-0-8130-3378-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tafur, Joseph. "Ayahuasca". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-02-15. Nakuha noong 2013-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)