Pumunta sa nilalaman

Bakgamon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Backgammon)
Backgammon

Magkakasamang kagamitan ng backgammon, na binubuo ng tabla, dalawang pangkat ng 15 piyesa, dalawang pares ng betu-beto, kubong pang-doble, at lalagyan ng betu-beto
Mga manlalaro 2
Edad ng manlalaro 5+
Oras sa pag-aayos 10–30 segundo
Haba ng paglalaro 5–30 minuto
Pangangailangan sa tsansa Betu-beto
Kailangang talento Pagbibilang, Mga Taktika, Stratehiya, Probabilidad

Ang bakgamon o backgammon sa Ingles ay isang larong tabla para sa dalawang manlalaro na kung saan ginagalaw ang mga nilalarong piyesa sang-ayon sa paggulong ng betu-beto. Nananalo ang isang manlalaro kapag natanggal ang lahat ng kanyang piyesa mula sa tabla. Napakaraming mga baryante ang backgammon, karamihan may magkakatulad na katangian ang mga ito. Kasapi ang backgammon sa mga pamilyang tabla, isa sa mga pinakamatandang uri ng larong tabla sa buong mundo.

Bagaman may mahalagang ginagampanan ang swerte, may malaking ginagampanan ang stratehiya sa larong ito. Sa bawat paggulong ng betu-beto, kailangang pumili ang manlalaro mula sa iba't ibang mga pagpipiliang galaw para sa kanyang mga piyesa at mahulaan ang posibleng kontra-galaw ng kanyang kalaban. Maaaring itaas ang pusta ng mga manlalaro habang naglalaro. May mga nakatakdang mga reportoryo ng karaniwang taktika at mga kaganapan.

Katulad ng ahedres, pinag-aaralan ang backgammon na may malaking interes ng mga siyentipiko ng kompyuter. Hinggil sa pananaliksik nito, naigawa ng software para sa backgammon na maaaring matalo ang magagaling manlalarong tao na tanyag sa buong mundo.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.