Backstroke
Ang backstroke o aldabis ay isa sa mga apat na istilo sa paglangoy na nasa ilalim ng regulasyon ng FINA, at ito lang ang langoy na dapat languyin ng patalikod sang-ayon sa regulasyon. Ito ay may kapakinabangan sa madaling paghinga, ngunit mahihirapan ang manlalangoy na hindi nila makikita kung saan sila papunta. Ito lang rin ang laro na may ibang simula.
Galaw ng braso
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa backstroke, ang mga braso ang palaging gumagalaw ng pasulong. Ang arm stroke ay binubuo ng dalawang pangunahing bahagi: ang power phase (binubuo ng tatlong magkakahiwalay na parte) at ang recovery (o pagkabawi). Ang mga braso ay nagpapalitan para ang kabilang braso ay nasa ilalim ng tubig at yung isa naman ay makakabawi. Ang isang kumpletong ikot ng braso ay itinuturing isang siklo. Galing sa unang posisyon, yung isang braso ay lulubog ng konti sa ilalim ng tubig at iikot ang palad palabas para masimulan ang catch phase (unang parte ng power phase). Ang kamay ay papasok ng pababa (mauuna ang hinliliit) at hahatakin palabas ng mga 45 digri na anggulo, na sinasalo ng tubig.
Galaw ng binti
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang paggalaw ng paa sa backstroke ay katulad ng flutter kick sa freestyle. Ang pagsipa ay may malaking kontribusyon sa pagsulong, habang binabalanse ang katawan mo. Ang leg stroke ay palitan, ang isang paa ay lumulubog ng deretso ng 30 digri. Galing sa ganitong posisyon, ang paa ay gumagalaw ng mabilis pataas, ng hindi gaanong naka kurba ang tuhod sa simula tapos babanatin ito ng pahalang. Gayunman, mayroon din na kadalasang mga pagkakaiba na apat o dalawang sipa bawat siklo. Karaniwan, ang mga sprinter ay kadalasang ginagamit ang anim na sipa bawat siklo, kung saan ang mga manlalangoy na pang-malayuan ay maaring konti lang ang sipa.