Pumunta sa nilalaman

Bacon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bacon
Piraso ng bacon
UriCured pork
Pangunahing SangkapSalt-cured pork belly
(1) taba sa likod (2) liempo

Ang bacon (pagbigkas: bey•kon) ay isang produktong karne na mula sa baboy ay karaniwang pinepreserba.[1][2] Una muna itong ibinababad sa laksa-laksang asin,[2] maaaring sa tasik o kaya sa tuyông balutan; ang kalalabasan nito ay sariwang bacon (tinatawag din na green bacon).[3] Ang sariwang bacon ay maaari pang patuyuin ng ilang linggo o buwan sa malamig na hangin, o kaya'y pakuluan o itapa.[1] Ang sariwa o tuyong bacon ay karaniwang niluluto muna bago kainin, madalas itong piniprito. Ang pinakuluang bacon naman ay ready-to-eat, gaya rin ng tinapang bacon, ngunit maaari din itong lutuin pa bago kainin.

Hinahanda ang bacon mula sa iba't ibang hiwa ng karne. Karaniwan itong mula sa gilid at likod ng baboy,[4] maliban sa Estados Unidos, na kung saan ito'y halos laging liempo (binabasagan itong "American style" sa labas ng Estados Unidos at Canada). Higit ang karne kaysa taba kung ang hiwa'y mula sa tagiliran kaysa kung ito'y liempo. Maaaring manggaling mula sa dalawang bahagi ang bacon: ang taba sa likod, na halos puro taba, at lomo, na wala halos taba. Tinatawag na back bacon ang bacon-cured na lomo ng baboy.

Ang bacon ay maaaring kaining tinapa, nilaga, pinirito, hinurno, o inihaw at kainin ng ito lamang, bilang side dish (lalo na tuwing agahan sa Hilang Amerika) o bilang sangkap upang pampalasa ng iba pang pagkain (e.g. club sandwich). Ginagamit din ang bacon upang mantikaan ang ibang luto. Hango ang salitang bacon sa Lumang Mataas na Aleman na bacho na ibig sabihin ay "pigi", "hamonado" o "gilid ng bacon", at kaugnay ng Lumang Pranses na bacon.[5][6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Filippone, Peggy. "What is bacon". About.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-01-02. Nakuha noong 2014-01-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Moncel, Bethany. "What is Bacon?". About.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-01-02. Nakuha noong 2014-01-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Bacon Cuts". James Whelan Butchers. Nakuha noong 2014-01-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Royer, Blake (2010-04-21). "A Guide to Bacon Styles, and How to Make Proper British Rashers". The Paupered Chef. Nakuha noong 2014-01-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Bacon". OED Online. Oxford University Press. 1989. 50016435.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Hiskey, Daven (30 Agosto 2010). "Origin of the Word "Bacon"". Today I Found Out. Nakuha noong 2014-02-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)