Pumunta sa nilalaman

Baging

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang pangkuyapit

Ang baging ay isang halaman na may mahahaba at payat na tangkay na pumupulupot at gumagapang sa lupa o umaakyat sa pamamagitan ng mga pangkuyapit. Sa ilang bahagi ng mundo, tumutukoy madalas ang baging sa baging ng ubas. May mga ilang halaman na lumalaki bilang baging, habang may ilang halaman naman ang nagiging baging sa isang bahagi lamang ng paglaki nito. Halimbawa, ang kanipay at bittersweet (Solanum dulcamara) ay lumalaki bilang palumpong kapag walang suporta ngunit maaring maging baging kapag may suporta.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Creepers". mannuthynursery. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 19 Pebrero 2008. Nakuha noong 17 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)