Bagong Mundo
Ang Bagong Mundo ay isa sa mga pangalan o katawagan na ginagamit para sa Kanlurang Emisperyo, partikular na ang Kaamerikahan at paminsan-minsan ang Oceania (Australasya). Ang kataga ay nagmula sa ika-15 daantaon, nang ang Amerika ay kamakailan pa lamang natuklasan ng mga manggagalugad mula sa Europa, na nagpalawak sa kalawakan o kalatagang pangheograpiya ng mga tao noong Gitnang Kapanahunan sa Europa, na dating umisip na ang mundo ay binubuo lamang ng Europa, Asya, at Aprika: na tinatawag na sa ngayon na Lumang Mundo bilang isang kalipunan.
Pinagmulan ng pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kastilang dalubhasang si Peter Martyr d'Anghiera (kilala rin bilang Pedro Mártir de Anglería) ang umimbento ng katawagang "Bagong Mundo"[1] na nagkaroon ng dalawampung mga edisyon o labas sa loob ng sumunod na apat na mga taon.
Noong 1524, ang kataga ay ginamit din ni Giovanni da Verrazzano sa loob ng isang tala ng kanyang paglalakbay noong taong iyon sa kahabaan ng dalampasigan ng lupain sa Atlantiko na bahagi na ngayon ng Estados Unidos at ng Canada.[2]
Paggamit at kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga katagang "Lumang Mundo" laban sa "Bagong Mundo" ay pangunahing makahulugan sa diwang pangkasaysayan at para sa layunin ng pagtatangi ng mga pangunahing eko-sona ng mundo. Ang isang tao ay makapagtatalakay ng "Bagong Mundo" sa isang diwang pangkasaysayan, iyong kapag tumatalakay sa mga paglalakbay ni Cristóbal Colón (na nakikilala rin bilang Christopher Columbus), ng pananakop ng mga Kastila sa Yucatán at iba pang mga kaganapan noong panahon ng pananakop (kolonyalismo); bilang dagdag pa, ang katawagang "Bagong Mundo" ay paminsan-minsang ginagamit sa diwang pambiyolohiya, kapag ang isang tao ay mga uri ng mga nilalang o uri (espesya) na nagmula sa Lumang Mundo (Palearktiko, Aprotropiko) at mula sa Bagong Mundo (Nearktiko, Neotropiko).
Kritisismo ng kataga
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kataga ay nabatikos dahil sa pagiging Eurosentriko nito, na mapagkandili at pati na rin sa pagkakaroon ng tonong nag-aadya o nagtatanggol ng kolonyalismo.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ de Madariaga, Salvador (1952). Vida del muy magnífico señor Don Cristóbal Colón ("Buhay ng napaka dakilang si Ginoong Don Cristóbal Colón") (sa wikang Kastila) (ika-ika-5 (na) edisyon). Mehiko: Editorial Hermes. p. 363.
"nuevo mundo", [...] designación que Pedro Mártyr será el primero en usar ("bagong mundo", [...] kapangalanang na unang gagamitin ni Pedro Mártyr)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Verrazzano, Giovanni da (1524). "The Written Record of the Voyage of 1524 of Giovanni da Verrazzano as recorded in a letter to Francis I, King of France, Hulyo 8th, 1524" Naka-arkibo 2006-09-08 sa Wayback Machine. (Ang Nasusulat na Tala ng Biyahe noong 1524 ni Giovanni da Verrazzano na nakatala sa isang liham kay Francis I, Hari ng Pransiya, 8 Hulyo 1524). Sumangguni sa: Wroth, Lawrence C., patnugot (1970). The Voyages of Giovanni da Verrazzano, 1524-1528 (Ang mga Paglalakbay ni Giovanni da Verrazzano, 1524-1528). Yale, pp. 133-143. Sumangguni sa: isang salinwika ni Susan Tarrow ng Cellere Codex.
- ↑ , (1970). . The New Press, pp. 65.