Pumunta sa nilalaman

Bagyong Helen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bagyong Helen (2020))
Bagyong Helen (Higos)
Malubhang bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)
NabuoAgosto 16
NalusawAgosto 20
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 100 km/h (65 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 110 km/h (70 mph)
Pinakamababang presyur992 hPa (mbar); 29.29 inHg
Namatay7 patay
ApektadoTsina, Taiwan, Vietnam, Hong Kong
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2020

Ang Bagyong Helen, (Pagtatalagang pandaigdig; Bagyong Higos) ay isang mahinang bagyo sa silangan ng Luzon noong ika-16 ng Agosto. Binigyan ng PAGASA ito ng pangalan, "Helen," at agad na nagbigay ng mga ulat para sa depresyon. Binaba agad rin nila ito matapos nitong lumabas sa Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas apat na oras makalipas.[107][108] Kinabukasan, lumakas pa nang husto ang depresyon at naging isang ganap na bagyo, kung saan pinangalanan ito ng JMA na Higos. Itinaas rin ng JMA ang antas nito kalaunan, bilang isang malubhang bagyo, noong gabing rin iyon. Tumama sa kalupaang sakop ng Zhuhai sa lalawigan ng Guandong si Helen bandang 6:00 oras sa Tsina (6:00 din sa Pilipinas).[1][2] Di bababa sa 65,000 katao ang inilikas dahil sa bagyo, at nagsara muna ang mga paaralan sa mga apektadong lugar. Bagamat tinamaan ng bagyo ang mga matataong lungsod sa Tsina, limitado lamang ang mga pinsalang naidulot nito sa mga natumbang puno at pagkawala ng kuryente.[111] Nangailangan ng pagsagip ang dalawang camper, na walang alam tungkol sa paparating na bagyo, sa isla ng Tap Mun noong ika-14 ng Agosto.[112] Nag-iwan ang bagyo ng 7 patay at 45 bilyong đồng (PhP93.62 bilyon) halaga ng napinsala sa Vietnam.

Sinundan:
Gener
Pacific typhoon season names
Higos
Susunod:
Igme
  1. "Severe Weather Bulletin #1 for Tropical Depression "Helen"" [Ulat sa Sama ng Panahon #1 para sa Depresyong "Helen"] (PDF) (sa wikang Ingles). PAGASA. Agosto 17, 2020. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Agosto 17, 2020. Nakuha noong Disyembre 19, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Severe Weather Bulletin #2-FINAL for Tropical Depression "Helen"" [Ulat sa Sama ng Panahon #2-HULI para sa Depresyong "Helen"] (PDF) (sa wikang Ingles). PAGASA. Agosto 17, 2020. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Agosto 17, 2020. Nakuha noong Disyembre 19, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)