Pumunta sa nilalaman

Baha sa Arabyang Saudi noong 2009

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Baha sa Arabyang Saudi noong 2009
Ang lokasyon ng Jeddah sa Arabyang Saudi at Tangway ng Arabya.
Petsa25 Nobyembre 2009
LugarJeddah at iba pang lugar sa lalagiwan ng Makkah
Mga namatay106 [1] (higit sa 350 ang nawawala)
Danyos sa ari-arianSAR 1 bilyon (nalugi sa negosyo pa lang) US$270 million (business losses alone)
Tunnel in King Abdullah Street (Jeddah-Saudi Arabia)
The city of Jeddah, with King Abdulaziz International Airport to the north. The main highways to Mecca run to the southeast. Map scale: approx. 25 km (15½ mi) from north to south.
An engraving of Jeddah from 1924, showing the Jabal al-Hejaz mountains behind the city.

Ang Baha sa Arabyang Saudi noong 2009 ay nakaapekto sa Jeddah, sa baybayin ng Saudi Arabia sa may Red Sea (kanluran), at iba pang lugar ng lalawigan ng Makkah.[2][3] Itinuturing ito ng mga opisyal ng tanggulang sibil bilang pinakamalalang sa loob ng 27 taon[4]. Hanggang noong Linggo 29 Nobyembre 2009, umaabot na sa 106 na tao ang naiulat na namatay, at higit pa sa 350 ang nawawala. Ilang kalsada ang nalubog sa tubig baha na may lalim na isang metro (mga tatlong piye) noong Huwebes Nobyembre 26, at marami sa mga biktima ang pinaniniwalaang nalunod sa kanilang mga sasakyan. Hindi bababa sa 3,000 mga sasakyan ang naanod o nasira[2][5][6]. Inaasahan pang tumaas ang bilang ng namatay sa paghupa ng baha na makakatulong sa mga tagasalba na mapuntahan ang mga naiwang mga sasakyan[7]

Higit sa 90 millimetro (3 ½ pulgada) ng ulan ang bumuhos sa Jeddah sa loob lamang ng apat na oras noong Miyerkules Nobyembre 25[2][5] Ito ay halos dalawang beses ng pamantayan sa buong taon[8] at ang pinakamalakas na pagbuhos ng ulan sa Arabyang Saudi sa loob ng isang dekada[9]. Naganap ang pagbaha dalawang araw bago ang inaasahang petsa ng pagdiriwan ng EID al-Adha at sa panahon ng taunang Hajj sa kalapit na Mecca[10] Tinatayang umabot sa isang bilyon riyals (US $ 270 million) ang nalugi sa mga negosyo. Ang mahihirap na pamayanan sa timog na bahagi ng Jeddah ang pinakatinamaan, gayundin ang lugar sa paligid ng Pamantasang King Abdulaziz. Nagsara ang pamatansan para sa bakasyon sa panahon ng baha para na rin mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga nasalantan.[11]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. [1]
  2. 2.0 2.1 2.2 Saudi Arabian floods kill 77, leave scores missing, Agence France Presse, 26 Nobyembre 2009, inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-21, nakuha noong 2009-11-26{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  3. Saudi Arabia floods leave 48 dead, BBC News, 26 Nobyembre 2009, nakuha noong 2009-11-26{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  4. "Flooding kills 77 in Jeddah, Thousands of pilgrims stranded on highway", Saudi Gazette, 26 Nobyembre 2009, inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-30, nakuha noong 2009-11-26 {{citation}}: |first= missing |last= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link).
  5. 5.0 5.1 Al-Zahrani, Saleh (26 Nobyembre 2009), "Damage may top SR1 billion", Saudi Gazette, inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-20, nakuha noong 2009-11-27{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  6. Alawi, Ibrahim; Al-Harthi, Eid (27 Nobyembre 2009), "King orders aid for victims, Death toll in Jeddah flooding hits 83", Saudi Gazette, inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-02, nakuha noong 2009-11-27{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  7. Humaidan, Muhammad (27 Nobyembre 2009), "Jeddah flood death toll reaches 77", Arab News, nakuha noong 2009-11-27{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  8. Jidda, Saudi Arabia: Average rainfall, WorldClimate.com, nakuha noong 2009-11-27{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link),
  9. Black, Ian (26 Nobyembre 2009), "Muslim pilgrims climb Mount Arafat as 2m brave heat outside Mecca", Guardian{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  10. "Rain soaks hajj pilgrims in Mecca", Daily Telegraph, 25 Nobyembre 2009{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  11. http://www.arabnews.com/?page=1&section=0&article=129059&d=4&m=12&y=2009&pix=kingdom.jpg&category=Kingdom


Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]