Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay
Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay | |
---|---|
Nasyonalidad | Pilipino |
Trabaho | Lider, envirnomentalista |
Kilala sa | Adbokasiya para sa mga lupain ng Manobo at Pantaron Mountain Range |
Si Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay ay isang pinuno ng Lumad at environmentalista. Siya ang una at nag-iisang babaeng pinuno sa kasaysayan ng mga Lumad.[1] Siya ay isang tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga katutubo at naging tagapagtanggol ng mga lupaing ninuno ng Manobo pati na rin ang Pantaron Mountain Range mula pa noong 1994. Ang Pantaron Mountain Range ay tahanan ng isa sa pinakamalaking natitirang lubwagan sa Pilipinas.[2] Angkabundukan ay naghahatid din ng tubig sa mga pangunahing ilog sa Mindanao, kabilang ang ilog ng Mindanao, Ilog Pulangi, Ilog ng Davao, Ilog ng Tagoloan, at mga pangunahing sanga ng ilog ng Ilog Agusan.[3] Si Bigkay ay binigyan ng parangal na Bai na nakalaan para sa mga kababaihang Mindanaon na may katungkulan at ang Bibyaon ay titulo ni Bigkay bilang pinuno ng kanyang tribo.[4]
Kasama siya sa mga pinuno na kumontra sa mapanirang operasyon ng pagtotroso na makakasira sa mga lupaing ng Manobo sa Talaingod, Davao del Norte.[1]
Natanggap ni Bigkay ang Gawad Tandang Sora mula Unibersidad ng Pilipinas noong 2017 para sa kanyang pamumuno sa pakikibaka ng mga katutubo para sa karapatang pantao at dignidad.[5] Siya ay tinawag bilang "ang Tandang Sora ng kanayunan… ang Ina ng mga Lumad na pumukaw sa rebolusyon ng sambayanang Pilipino para sa pambansang pagpapasiya at kalayaan."[1]
Kinilala rin siya bilang Most Distinguished Awardee ng 5th Gawad Bayani ng Kalikasan (Hero of the Environment Award) noong 2018.[3]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Lumad Leader Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay is 2017 UP Gawad Tandang Sora awardee". University of the Philippines (sa wikang Ingles). Pebrero 22, 2017. Nakuha noong 2020-06-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Cortez, Kath M. (2019-08-14). "Lumad women, their inter-generational struggle for self-determination". Davao Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-06-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 3.0 3.1 Salamat, Marya (2018-03-17). "'We're all challenged to defend the environment' - Bibiaon Bigkay". Bulatlat (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-06-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bai Bigkay is Gawad Tandang Sora awardee". University of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 16, 2021. Nakuha noong Hunyo 6, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UP CSWCD names Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay 2017 Gawad Tandang Sora honoree". Kodao Productions (sa wikang Ingles). 2017-02-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-12-02. Nakuha noong 2020-06-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)