Pumunta sa nilalaman

Pulbos panghurno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Baking powder)
Amerikanong pulbos panghurno na nakapakete para sa mamimili. Nilalaman ang ganitong uri ng pulbos panghurno ng monocalcium phosphate, sodium bicarbonate, at gawgaw.

Ang pulbos panghurno (Ingles: baking powder) ay isang tuyong kemikal na pampaalsa, isang halo ng isang karbonato o bikarbonato at isang mahinang asido. Pinipigilan ang napaagang reaksiyon ng base at asido ng paglalakip ng sanggalang kagaya ng gawgaw. Ginagamit ang pulbos panghurno upang paalsahin at pagaanin ang tekstura ng mga pagkaing hinurno. Gumagana ito sa paglalabas ng carbon dioxide sa batter o masa sa pamamagitan ng reaksiyong asido–base na nagdudulot ng paglalawak ng mga bula sa basang timpla at kaya umaalsa ito. Inuswag ang unang isang-kilos (single-acting) na pulbos panghurno, na naglalabas ng karbon dioksido sa temperatura ng silid nang basa-basain ito, ni Alfred Bird, isang tagagawa ng pagkain sa Inglatera noong 1843. Inuswag naman ang unang dalawang-kilos (double-acting) na pulbos panghurno, na naglalabas ng kaunting karbon dioksido kapag binasa, at nang malaon naglalabas ng mas maraming gas kapag pinainit sa paghurno, ni Eben Norton Horsford sa Amerika noong dekada 1860.

Ginagamit ang pulbos panghurno sa halip na lebadura para sa mga produkto kung saan hindi kanais-nais ang lasa ng pagbuburo,[1] kung saan kulang ang nababanat na istraktura ng batter upang manatili ang bula nang mahigit sa iilang minuto,[2] at upang pabilisin ang produksiyon ng hinurnong pagkain. Dahil mas mabilis ang paglabas ang carbon dioxide sa pamamagitan ng reaksiyong asido-base kaysa sa permentasyon, quick breads (pangmabilisang tinapay) ang tawag sa mga ganitong tinapay. Naging mahalaga ang papel ng pulbos panghurno sa pagbabawas ng oras at trabaho na kailangan para gumawa ng mga tinapay. Humantong ito sa paglilikha ng mga bagong uri ng keyk, galyetas, biskuwit, at iba pang mga pagkaing hinurno.[3][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Matz, Samuel A. (1992). Bakery Technology and Engineering [Teknolohiya at Inhinyeriya ng Paghuhurno] (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Springer. p. 54. ISBN 9780442308551. Nakuha noong Agosto 12, 2009.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. McGee, Harold (2004). On Food and Cooking [Ukol sa Pagkain at Pagluluto] (sa wikang Ingles) (ika-revised (na) edisyon). Scribner-Simon & Schuster. p. 533. ISBN 9781416556374. Nakuha noong Agosto 12, 2008.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Civitello, Linda (2017). Baking powder wars : the cutthroat food fight that revolutionized cooking [Digmaan ng mga pulbos panghurno : ang walang-awang labanan sa pagkain na nagpabago sa pagluluto] (sa wikang Ingles). Urbana: University of Illinois Press. pp. 45, 70–74. ISBN 978-0252041082.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Brown, Martha C. (1981). "Of Pearl Ash, Emptins, And Tree Sweetnin' America's First Native Cookbook". American Heritage (sa wikang Ingles). 32 (5). Nakuha noong Enero 22, 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)