Pumunta sa nilalaman

Balakubak

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Balakubak
Isang imahe ng balakubak ng tao na nakuha sa pamamagitan ng pagsilip sa mikroskopyo.

Ang balakubak (Ingles: dandruff) ay isang uri ng kalagayan kung saan ang balat na nasa anit ay nagbabalat at nagtutuklap. Ang pagbabalat at panunuklap na ito ay dahil sa mabilis na proseso ng pagkamatay ng balat, na nagreresulta sa pagkakaroon ng mga tuklap-tuklap na kulay puti (mga flake dahil sa proseso ng flaking) at nalalaglag papunta sa mga buhok. Ang balakubak ay hindi isang sakit na nakakahawa. Karaniwan ang pagkakaroon ng balakubak sa mga taong nasa kanilang mga kabataan, partikular na ang mga nagdadalaga at ang mga nagbibinata at mga tao na nasa gulang na malapit sa pagiging 20 ang edad. Nagkakaroon din ng balakubak ang mga matatanda.[1]

Maraming maging maaaring sanhi ng pagkakaroon ng balakubak. Ang balakubak ay mayroong kaugnayan sa kondisyon ng pagkakaroon ng seborrheic dermatitis, na pagiging malangis ng balat at pagtutuklap ng hindi lamang nagaganap sa anit at buhok, bagkus ay nagaganap din sa ilong, mga kilay at iba pang mga bahagi ng katawan. Maaari ring magdulot ng balakubak ang fungus na malassezia. Maaari ring magsanhi ng balakubak ang mga produktong pambuhok, katulad ng labis na paggamit ng hairspray, gel, mousse, shampoo, at conditioner (pangkundisyon ng buhok). Ang pagiging balisa o stressed ay maaari ring makapagdulot ng kalagayan ng pagbabalakubak.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 BALAKUBAK ([1]), KALUSUGAN PH

Medisina Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.