Pumunta sa nilalaman

Martilyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Balalak)
Isang martilyo.

Ang martilyo o pamukpok ay isang kasangkapan na may dalawang bahagi: ang ulo na gawa sa mabigat at matigas na materyales, at ang hawakan. Ginagamit ito bilang pamukpok ng iba't ibang bagay. Kadalasan itong ginagamit sa pagpako, pagkakabit ng mga materyales, pagpapanday ng bakal, at pangsira ng gamit. Ang mga martilyo ay may iba't ibang disenyo ng hugis, laki, at istraktura, depende kung saan ito gagamitin.

Ang mga martilyo ay susing instrumento sa iba't ibang kalakaran. Ito ay binubuo ng ulo (kadalasan na gawa sa bakal) at hawakan (kilala rin bilang helve o haft). Karamihan sa mga martilyo ay ginagamit sa pamamagitan ng kamay, ngunit marami ng iba't ibang bersyon nito katulad ng mga martilyong de-makina (tinatawag din na steam hammer o trip hammer) na ginagamit para sa mas mahihirap na trabaho.

Ang ibang martilyo ay binigyan ng ibang pangalan katulad ng maso at malyete. Ang salitang "martilyo" ay ginagamit din sa ibang aparato na may kakayahang humampas katulad ng martilyo sa baril o ang martilyo sa pyano.

Mga uri ng binalalak

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.