Pumunta sa nilalaman

Balanse ng kalakalan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang balanse ng kalakalan (Ingles: balance of trade o net exports, na may simbolong NX) ang pagkakaiba sa pagitan ng halagang pang-salpi ng mga niluluwas(exports) at mga inaangkat(imports) ng output sa isang ekonomiya sa loob ng isang panahon. Ito ang relasyon sa pagitan ng mga inaangkat at iniluluwas ng isang bansa.[1] Ang isang positibong balanse ay tinaguriang surplus ng kalakalan(trade surplus) kung ito ay binubuo ng higit na pagluluwas kesa sa pag-aangkat. Ang isang negatibong balanse ay tinaguriang kakulangang kalakalan(trade deficit) o pagitan ng kalakalan(trade gap). Ang balanse ng kalakalan ay minsang hinahati sa mga kalakal at isang mga serbisyong balanse. Ang sinaunang pagkaunawa ng paggana ng balanse ng kalakalan ang nabigay alam sa mga patakarang ekonomiko ng Sinaunang Modernong Europa na pinangkat sa ilalim ng pamumunong merkantilismo. Ang sinaunang pahayag ay lumitaw sa Discourse of the Common Wealth of this Realm of England, 1549: "Dapat palagi nating pakinggan na hindi na tayo bibili sa mga estranhero kesa sa magbenta sa kanila, sapagkat ating papahirapin ang ating mga sarili at payayamanin sila."[2] Gayundin, ang isang sistematiko at konsistteng paliwanag ng balanse ng kalakalan ay ginawang publiko sa pamamagitan ni Thomas Mun's c1630, "ang yaman ng Inglatera sa kalakalang dayuhan o balanse ng ating kalakalang dayuhan ang patakaran ng ating kayamanan." [3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sullivan, Arthur; Steven M. Sheffrin (2003). Economics: Principles in action. Upper Saddle River, New Jersey 07458: Prentice Hall. p. 462. ISBN 0-13-063085-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-26. Nakuha noong 2021-02-26.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link)
  2. Now attributed to Sir Thomas Smith; quoted in Fernand Braudel, The Wheels of Commerce, vol. II of Civilization and Capitalism 15th-18th Century, 1979:204.
  3. Thomas Mun, Oxford National Dictionary of Biography