Pumunta sa nilalaman

Balyenang minke

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Balyenang minke
Isang palitaw na balyenang minke sa Skjálfandi, Islandiya
Sukat na hinahambing sa isang karanio
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Artiodactyla
Infraorden: Cetacea
Pamilya: Balaenopteridae
Sari: Balaenoptera
Species

Balaenoptera acutorostrata
Balaenoptera bonaerensis

Ang balyenang Minke (Ingles: Minke whale) ay ang pinakamaliit sa mga balyenang baleen na naninirahan sa maraming mga lugar ng mundo. Ito ang pinakamaliit na balyenang rorqual (ang malalaking mga balyenang baleen). Ang isang malaking balyenang Minke ay humigit-kumulang sa 30 mga talampakan at tumitimbang nang 10 mga tonelada. Kulay itim o abo ang mga ito na mayroong puti sa kanilang tiyan at isang puting "bahag na pambisig" sa palibot ng kanilang mga palikpik. Ito lamang ang natatanging balyenang baleen na pinangangaso dahil sa salapi.[1] Nakalalangoy nang matulin ang balyenang Minke.

Mayroong dalawang mga uri ng balyenang Minke. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Karaniwang balyenang minke (Common minke whale) o panghilagang balyenang minke (northern minke whale) (Balaenoptera acutorostrata), at
  • Balyenang minke ng Antarktika (Antarctic minke whale) o pangtimog na balyenang minke (southern minke whale) (Balaenoptera bonaerensis)
Minke whale skeleton, Museum Koenig, University of Bonn.
Multimedia relating to the minke whale
Note that whale calls have been sped up to 10x their original speed.

Ang mga balyenang minke ay ang pangalawang pinakamaliliit na mga balyenang baleen. Tanging ang tuwid na balyenang pigmea (tuwid na balyenang baluga) ang mas maliit. Ang mga lalaki ay mayroong karaniwang sukat na 6.9 m (23 tal) at ang mga babae ay mayroong habang nasa 7.4 m (24 tal). Ang kapwa mga kasarian ay karaniwang tumitimbang ng 4 - 5 t (3.9–4.9 mga toneladang mahahaba; 4.4–5.5 mga toneladang maiiksi) bilang mga adulto. Ang pinakamabigat na timbang ay maaaring umabot sa 14 t (14 na mga tonelang mahahaba; 15 mga toneladang maiiksi). Ang mga ito ay nagiging mga adulto pagkaraan ng 6 hanggang 8 mga taon.

Ang mga balyenang minke ay mayroong kulay na itim o abo o kaya purpura. Ang pangkaraniwang mga balyenang minke (ang uri na nasa Hilagang Hemispero) ay mayroong isang puting bahag sa ibabaw ng bawat isa nilang mga palikpik. Ang katawan ay karaniwang itim o madilim na abo sa itaas at puti naman sa ilalim. Karamihan sa bahagi ng likod, kabilang na ang palikpik na panlikod (palikpik na dorsal) at mga butas na bugahan, ay lumilitaw kaagad kapag ang balyena ay pumapaibabaw o lumilitaw sa ibabaw ng tubig upang huminga.

Ang mga balyenang minke ay karaniwang nabubuhay sa loob ng 30 hanggang sa 50 mga taon. Sa ilang mga pagkakataon, ang mga ito ay maaaring mabuhay nang magpahanggang 60 mga taon.

Ang panahon ng hestasyon (pagkabuntis) para sa mga balyenang minke ay 10 mga buwan. Ang mga guya (bulo o bisero, mga sanggol na balyena) ay mayroong sukat na 2.4 hanggang 2.8 m (7.9 hanggang 9.2 tal) kapag ipinanganak (iniluwal). Ang mga sanggol ay sumususo sa loob ng 5 hanggang maaaring 10 mga buwan. Ang pagsusupling ng guya ay ipinapalagay na nagaganap tuwing dalawang mga taon.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cole, Joanna. Magic School Bus The Wild Whale Watch. U.S.A.: Scholastic Inc. p. 73. ISBN 0-439-10990-6.
  2. "American Cetacean Society: Minke Whale". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-27. Nakuha noong 2013-02-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)