Banduristang Capella ng Kyiv
Ang Banduristang Capella ng Kyiv (Ukranyo: Київська капeла бандуристiв, romanisado: Kyivs’ka kapela banduristiv ) ay isang samahang bokal-instrumental ng mga lalaki na sinasabayan ang pag-awit nito sa pagtugtog ng multikuwerdas na instrumentong-pambayang Ukranyano na kilala bilang bandura.
Ang grupo ay unang kilala bilang Koro Kobzar at itinatag noong Agosto 1918 sa ilalim ng direksiyon ng kilalang banduristang virtuoso na si Vasyl Yemetz, na nagkaroon ng unang pagtatanghal noong Nobyembre ng taong iyon.[1] Ang grupo ay patuloy na aktibong gumaganap hanggang ngayon bilang Ukranyanong Korong Bandurista.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panimula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ideya ng pag-oorganisa ng bandura ensemble ay dumating kay V. Yemetz matapos makita ang pagtatanghal ng apat na kobzar sa Okhtyrka: Ivan Kuchuhura Kucherenko, Pavlo Hashchenko, Petro Drevchenko, at Oleksander Hamaliya noong Agosto 20, 1911. Sa ilan sa mga piraso, ang mga kobzar ay sinalihan ng nagtutugtog ng lira na si Sampson Vesely. Ang pagtatanghal na ito ay tila naging dahilan ng pagbuo ng unang Korong Kobzar.
Sa una, sinubukan ni Yemetz na ayusin ang isang Banduristang Capella sa Kharkiv mula sa kaniyang mga mag-aaral noong 1913. Ang kaniyang susunod na pagtatangka ay kasama ang kaniyang mga mag-aaral sa makasaysayang rehiyon ng Kuban noong 1913–1914 sa Yekaterinodar, ngunit wala sa mga pagtatangkang ito ang ganap na matagumpay. Posibleng ito ay dahil sa kabataan at kawalan ng karanasan ni Yemetz mismo. Noong 1914, naglakbay si Yemetz sa Moscow kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong makita ang bandura ensemble na inorganisa ni Vasyl Shevchenko. Malay rin siya sa pang-maf-aaral na bandura ensemble na inorganisa ni Mykhailo Domontovych sa Kiev noong 1905.
Organisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Abril 1917, unang binisita ni Yemetz ang Kiev na naglalakbay doon bilang isang delegado sa Unang Kongresong Ukranyano. Pagkatapos ng maikling pagbabalik sa Kharkiv, nanirahan siya sa Kyiv. Noong Mayo 1918, naglagay siya ng mga patalastas sa mga pahayagan ng Kyiv Vidrodzhennia, Robitnycha hazeta, at Narodna volia na humihiling ng mga interesadong tao na lumapit sa kaniya na may layuning mag-organisa ng isang kobzar ensemble.
Ilang bandurista ang sumagot sa mga patalastas na ito at nagkaroon sila ng kanilang unang pagtitipon noong Hunyo ng taong iyon. Sa kabuuan, 18 katao ang dumating sa unang pagpupulong. Ang bawat isa ay may iba't ibang antas ng pagtugtog, kaalaman sa musika, at teknikal na kasanayan. Ang bawat isa ay tumugtog ng iba't ibang estilo ng bandura na ginawa ng iba't ibang mga gumagawa. Ang estilong Chernihiv ay pinili kaysa sa estilong Kharkiv ni Yemetz bilang mas madali para sa bawat isa na unang maisaulo. Kailangang pumili ng isang karaniwang pagtono na sa una ay napatunayang may problema rin. Ang ilan sa mga unang interesado ay huminto dahil hindi sila marunong magbasa ng musika at naisip na ang pagtugtog mula sa musika ay hindi tradisyonal.
Ang grupo ay unang kilala bilang Koro Kobzar Choir (Kobzarsky khor) at kalaunan ay Kobzar Capella (Kapela Kobzariv).[2] Sinabi ni Yemetz na ang salitang bandurista ay hindi ginamit sa lahat ng oras na iyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Національна капела бандуристів України ім. Г. Майбороди | «Наша Парафія»" (sa wikang Ukranyo). Nakuha noong 2021-10-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Капелла Бандуристов Украины | Скачать бесплатно на музыкальном сайте Гусли". web.archive.org. 2011-05-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-01. Nakuha noong 2021-10-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)