Pumunta sa nilalaman

Bantayog sa Sangkatauhan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Bantayog sa Sangkatauhan (Ingles: Monument to Humanity) ay isa sa mga batong may iba't ibang hugis ng mga nilalang ng mundo, na matatagpuan sa mataas na talampas ng Gitnang Peru. Nasa Markawasi (o Marcahuasi) ito na nasa 12,500 mga talampakan ng Bulbundukin ng Andes. Si Daniel Ruzo, isang Peruanong manggagalugad o eksplorador, ang nagbigay ng pangalan sa monumentong batong ito na naglalarawan o may mga wangis o itsura ng apat na natatangi at magkakaibang mga lahi o lipi ng sangkatauhan. May taas na 85 talampakan ang batong bantayog at nakalagak sa hilagang bahagi ng nasabing talampas.[1]

Kasaysayan ng pagkakalikha ng bantayog

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa teoriya ni Ruzo, na tinulungan sa pagsasalinwika ng kanyang asawang si Carola Ruzo, nalikha ang mga imahen ng tao, pati na iba pang mga istatuwa ng hayop, sa Markawasi dahil sa paglililok ng isang nalimutan nang lahi ng mga taong napaglaho at nawasak na ng isang pandaigdigang kataklismo. Dinagdag pa niyang namuhay ang mga taong ito noong panahon ng proto-kasaysayan, bago pa sumapit ang pangkasalukuyang kabihasnan ng makabagong mga tao. Nilarawan niya sila bilang mga taong masulong na, may kakayahang maglakbay sa buong mundo, at nag-iwan ng mga katibayan ng kanilang pag-iral sa maraming mga pook. Tumutugma ang teoriya ni Ruzo sa mga panukala o teoriya naman ng mga Indiyanong Hoping nagmumungkahing hindi ang modernong mga tao ang unang mga tao ang nakaabot na sa isang grado o degri ng kasulungan o sopistikasyon. Maaaring ang pangkasalukuyang tao ay nasa ikaapat o ikaalima na ng hanay na ito.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]