Baras na pang-angat ng baba
Itsura
Ang baras na pang-angat ng baba, na mas kilala sa Ingles bilang chin-up bar o chinup bar,[1] ay isang uri ng kagamitang pang-ehersisyo. Ang isang payak na kayarian nito ay ang paglikha at pagtatalaga ng isang baras na gawa sa isang tubong bakal na may 1 pulgadang diyametro. Mayroon namang nabibili nang yari na, katulad ng naikakabit o naitatalaga sa dingding, sa kisame, at sa pamakuan ng kisame; mayroon din namang disensyo na naikakabit o naisasabit lamang sa pintuan na hindi na kailangan pang iturnilyo. Meron din namang baryasyon nito na maibaba ang baras upang makapagsagawa ang tao na nagsasanay ng ehersisyong tinatawag na pabaligtad na pagsagwan (inverted row), katulad ng produktong pinangalanang Perfect Pullup.[1]