Barbero-siruhano
Itsura
(Idinirekta mula sa Barber surgeon)
Ang barbero-siruhano o manggugupit na maninistis ay isa sa pinaka karaniwang mga praktisyunero ng medisina sa Europeang midyebal, na pangkalahatang namamahala at nangangalaga sa mga kawal habang may digmaan o pagkaraan ng isang labanan. Sa kapanahunang ito, ang paninistis o siruhiya ay hindi pangkalahatang isinasagawa ng mga manggagamot, bagkus ay ginagampanan ng mga barbero. Karaniwan silang naninirahan sa mga kastilyo, kung saan nagbibigay din sila ng tulong na pampaggagamot para sa mga taong mayayaman.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Panggagamot at Kalusugan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.