Pumunta sa nilalaman

Baryang limampung-sentimo ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Limampung sentimo
Pilipinas
Halaga0.50 piso ng Pilipnas
Timbang3.0 g
Diyametro18.0 mm
GilidMakinis (Seryeng Flora at Fauna)
Mala-tinubuan ng tambo (Pinahusay na Seryeng Flora at Fauna)
KomposisyonTanso-nikel (1983–1991)
Tansong dilaw (1991–1994)
Taon ng paggawa1880–1994
Obverse
DisenyoPangalan ng republika, mukha ni Marcelo H. Del Pilar, taon kung kailan ginawa
Petsa ng pagkadisenyo1991
Reverse
DisenyoPithecophaga jefferyi (agilang Pilipino; manaol), halaga
Petsa ng pagkadisenyo1991

Ang baryang limampung-sentimo (50¢) ng Pilipinas ay isang dating denominasyon para sa piso ng Pilipinas. Ito ay ginawa sa Pilipinas noong 1864[1] hanggang 1994, at ito ay nawala na ng halaga noong 1998.

Baryang 50 sentimos noong panahon ng Espanyol, 1868

Bago dumating ang 1864, tinanggap sa Pilipinas ang mga baryang nagkakahalaga ng kalahati ng dolyar ng Espanya (o peso) o apat na reales na inisyu ng Espanya at Amerikanong Espanyol. Ito rin ang ginamit na barya bilang pamalit sa isang baryang pilak noong bago dumating ang Espanyol sa Pilipinas na tinatawag na rupee o rupiah, at salapi ang tawag sa lokalidad nito. Inisyu noong 1864 ang mga baryang 50 sentimos para sa Pilpinas na mayroong timbang na 12.98 gramo ng 90% pilak (pinaliit nito sa 83.5% pagakatapos ng 1881).

Baryang 50 sentimo na inisyu mula noong 1907 hanggang 1935.

Inisyu noong 1903 ang mga baryang 50 sentimo na nagkakahalaga ng sangkapat ng dolyar ng Estados Unidos na ginawa para sa Pilipinas, mayroong timbang na 13.48 gramo ng 90% pilak. Binago ang mga tampok nito noong 1907, na pinagaan sa 10.0 gramo ng 75% pilak sa baryang iyon; na ginawa hanggang 1945.

Itinuloy noong 1958 ang paggawa ng baryang sentimo na may panibagong eskudo de armas sa likuran. Pinalitan ng 'Central Bank of the Philippines' ang palibot ng likuran ng barya nito.[3]

Itinampok sa wikang Tagalog sa kauna-unahang pagkakataon noong taong 1969. Makikita sa harapan si Marcelo H. Del Pilar, isang mamamahayag, manunulat, abogado, at malayang mason ng Himagsikang Pilipino noong ika-19 na siglo. Sa likuran nakasulat ang 'Republika ng Pilipinas' at ang taon ng pag-isyu sa palibot ng barya.[5] Subalit itinigil ang paggawa ng denominasyong ito noong inilabas ang Seryeng Ang Bagong Lipunan.

Ipinakilala muli ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang denominasyong ito, at kulay-pilak ang baryang inisyu noong taong 1983 hanggang 1993, na itinampok muli si Del Pilar, at ang denominasyon nito ay nilipat na sa likuran na may petsa sa harapan nito. Makikita rin sa likuran ang manaol (pithecophaga jefferyi).

Pinahusay na Seryeng Flora at Fauna[7]

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinakilala noong 1991 ang baryang ito sa parehong tampok, ngunit pinaliit ang laki nito sa 18mm, pinalit ang komposisyon nito sa tansong dilaw, at mayroon nang gilid na mala-tinubuan ng tambo.[8]

Hindi na sinama ang denominasyong iyon nang lumabas ang seryeng BSP noong 1995, at ang lahat ng 50 sentimong baryang nasa sirkulasyon ay nawala na ng halaga noong ika-2 ng Enero 1998.

Seryeng Ingles
(1958–1967)
Seryeng Pilipino
(1969–1974)
Seryeng Flora at Fauna
(1983–1990, 1991–1994)
Harapan
Likuran

Mayroong mga baryang 50 sentimo na inisyu noong 1983 ang nagkaroon ng kamalian sa pagbaybay ng siyentipikong pangalan ng manaol. Sa halip na Pithecophaga jefferyi, naging Pithecobhaga jefferyi nito. Kalaunan ay ipinalit ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas.[10][11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "50 Centavos Peso from 1880 - SPAIN 1874-85 - ALFONSO XII - Philippines - The Coin Database". www.coindatabase.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Bangko Sentral ng Pilipinas - BSP Notes and Coins - History of Philippine Currency - Demonetized Coins - English Series". www.bsp.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2021. Nakuha noong 30 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Coin Value: Philippines 10, 25, and 50 Centavos 1958 to 1966". coinquest.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Bangko Sentral ng Pilipinas - BSP Notes and Coins - History of Philippine Currency - Demonetized Coins - Pilipino Series". www.bsp.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Mayo 2021. Nakuha noong 30 Hunyo 2021. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "50 Sentimos, Philippines". en.numista.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Bangko Sentral ng Pilipinas - BSP Notes and Coins - History of Philippine Currency - Demonetized Coins - Flora and Fauna Series". www.bsp.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Hulyo 2021. Nakuha noong 30 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Bangko Sentral ng Pilipinas - BSP Notes and Coins - History of Philippine Currency - Demonetized Coins - Improved Flora and Fauna Series". www.bsp.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2021. Nakuha noong 30 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Philippine Coins: 1991 50 Sentimo Improved Flora and Fauna Series". Barya at Perang Papel (sa wikang Ingles). 19 Hunyo 2013. Nakuha noong 30 Hunyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Bangko Sentral ng Pilipinas - BSP Notes and Coins - Coins in Circulation". www.bsp.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hulyo 2021. Nakuha noong 30 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. https://sinsilyonimike.wordpress.com/2013/02/24/coin-collection-minting-error/
  11. https://pinoynumismatistnetwork.wordpress.com/2011/09/24/error-coins-error/