Pumunta sa nilalaman

Baryang sampung-sentimo ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sampung sentimo
Pilipinas
Halaga0.10 piso ng Pilipinas
Timbang2.5 g
Diyametro17.00 mm
Kapal1.63 mm
GilidMala-tinubuan ng tambo
KomposisyonTansong tinubog sa bakal
Taon ng paggawa1880–2017
Obverse
DisenyoDenominasyon, pangalan ng bansa sa wikang Tagalog, at taon
Petsa ng pagkadisenyo1995
Reverse
DisenyoSagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
Petsa ng pagkadisenyo1995


Ang baryang sampung sentimo (10¢) ay ang denominasyon ng piso ng Pilipinas. Pinakamatanda itong denominasyon sa baryang mababa sa piso sa sirkulasyon ng bansa, na ipinakilala noong 1880 noong panahon ng Espanyol sa Pilipinas hanggang itinigil ang paggawa nito noong 2017. Matatanggap pa rin bilang bayarin nito hanggang mawalan na ang bisa ang serye ng barya ng BSP.

10 sentimo, 1864-1885

Ang unang baryang nagkakahalaga ng 1/10 ng piso ay ang 10 sentimo noong 1864-1888 sa ilalim ni Reynang Isabel II ng Espanya, na sinundan ng 10 sentimo sa ilalim ni haring Alfonso XII noong 1880-1885. Makikita sa likuran ang eskudo de armas ng Kastilya at Kaharian ng León. Makikita sa harapan ang nakaukit na 'Rey de Espana' (Hari ng Espanya]] at makikita naman sa likuran ang 10 Cs. de Po. (10 sentimo ng piso).[1]

10 sentimong baryang inilunsad noong 1907 hanggang 1945

Inilunsad noong 1903 ang baryang 10-sentimo na nagkakahalaga ng 0.05 sentimo ng Estados Unidos para sa Pilipinas, nagtitimbang na 2.7 gramo ng 90% pilak. Pinaliit noong 1907 ang baryang ito sa 2.0 gramo ng 75% pilak; na ginawa hanggang noong taong 1945.

Itinuloy noong 1958 ang paggawa ng baryang sentimo na may panibagong eskudo de armas sa likuran. Pinalitan ng 'Central Bank of the Philippines' ang palibot ng likuran ng barya nito.

Itinampok sa wikang Tagalog sa kauna-unahang pagkakataon noong taong 1969. Makikita sa harapan si Francisco Baltazar, na kilala rin bilang Francisco Balagtas, ay isang manunulang Pilipino na kinilala bilang isa sa pinakakilalang literaryong Pilipino dahil sa kaniyang ambag sa literaturang Pilipino. Sa likuran nakasulat ang 'Republika ng Pilipinas' at ang taon ng pag-isyu sa palibot ng barya.

Ang pangalawang barya na may mukha ni Baltazar ay inisyu noong 1975 hanggang 1983. Nilipat sa harapan ang pangalan ng Republika, at nakaharap na sa kanan si Baltazar. Makikita sa likuran ang nakaukit na 'Ang Bagong Lipunan' at ang dati nitong sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Inisyu noong taong 1979 hanggang 1982 ang mayroong marka sa barya nito.

Kulay-pilak ang baryang inisyu noong taong 1983 hanggang 1993, na itinampok muli si Baltazar, at ang denominasyon nito ay nilipat na sa likuran na may petsa sa harapan nito.

Inisyu noong 1995 hanggang 2017, gawa sa tansong tinubog sa bakal at walang tao sa baryang ito. Makikita sa harapan ang pangalan ng republika, ang denominasyon, at ang taon kung kailan ito ginawa. Makikita naman sa likuran ang sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ginawa noong taong 1993.

Seryeng Bagong Henerasyong Pananalapi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas na tanggalin ang 10 sentimong barya sa seryeng ito.[2] Ginagamit pa rin ang baryang ito sa seryeng BSP hanggang mawala ito ng bisa sa sirkulasyon.

Seryeng Ingles
(1958–1967)
Seryeng Pilipino
(1969–1974)
Seryeng Ang Bagong Lipunan
(1975–1983)
Seryeng Flora at Fauna
(1983–1994)
Seryeng BSP
(1995–2017)
Harapan
Likuran

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://worldcoingallery.com/countries/display.php?image=nmc2/142-148&desc=Philippines km148 10 Centimos (1880-1885)&query=Philippines
  2. Agcaoili, Lawrence (Hulyo 22, 2017). "BSP drops 10¢ coins". The Philippine Star. Nakuha noong Abril 21, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)