Pumunta sa nilalaman

Pagbabasa (gawain)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Basahin)
Isang pagbabasa sa isang rural na paaralan. Nikolai Bogdanov-Belsky, 1895.

Ang pagbabasa ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya. Kadalasang kinakatawan ng ilang uri ng wika ang mga ideya na ito, bilang mga simbolo na sinisuri ng paningin, o hipo (halimbawa Braille). Maaari na di nakasalig sa wika ang ibang uri ng pababasa, katulad ng notasyon sa musika o piktogram. Sa paghahambing, sa pangkompyuter, tinatawag na pagbabasa ang pagkuha ng datos mula sa ilang uri ng imbakan ng kompyuter.

Kahit na ang pagbabasa ngayon ay isang pangunahing dahilan sa karamihan nga mga tao upang makakuha ng impormasyon, naging ganito lamang ito noong nakalipas na 150 na taon o mahigit pa, na may unting eksepsiyon, tulad ng mga kolonya ng Amerika, na may maliit na bilang ng populasyon sa ibang bansa na muwang na bago pa ang rebolusyong industriyal.

Mga uri ng pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong apat na uri ng pagbabasa. Ginagawa ng tao ang pagbabasa ng mga babasahin dahil sa mga sumusunod na mga dahilan: ang pagbabasa upang malibang, ang pagbabasa para sa kabatiran, ang pagbabasa para sa pakikipagsapalaran, at ang pagbabasa para sa pagkamulat sa Maraming kaganapan at dagdag ito sa kaalaman.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Christophers (2004). "Self Improvement Through Reading". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa "Pebrero 6".

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.