Pumunta sa nilalaman

Bashar al-Assad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bashar al-Assad
بشار الأسد
Si Bashar al-Assad noong 2018
Pangulo ng Syria
Nasa puwesto
17 Hulyo 2000  8 Disyembre 2024
Nakaraang sinundanAbdul Halim Khaddam (Pansamantalang Pangulo)
Hafez al-Assad
Sinundan niAhmed al-Sharaa
Kalihim Panrehiyon ng Panrehiyong Pamunuan ng Sangay ng Ba'ath Party sa Syria
Nasa puwesto
24 Hunyo 2000  8 Disyembre 2024
PinunoAbdullah al-Ahmar
Nakaraang sinundanHafez al-Assad
Kasapi ng Panrehiyong Pamunuan ng Sangay ng Ba'ath Party sa Syria
Nasa puwesto
21 Hunyo 2000  8 Disyembre 2024
Pansariling Detalye
Isinilang
Bashar Hafez al-Assad

(1965-09-11) 11 Setyembre 1965 (60 taong gulang)
Damascus, Syria
PartidoBa'ath Party
Ibang ugnayang
pampolitika
Pambansang Progresibong Prente
AsawaAsma al-Akhras
AnakHafez Bashar al-Assad
Zain
Karim
Alma MaterUnibersidad ng Damascus
Pirma
WebsitioAng Pangulo
Serbisyo sa militar
KatapatanRepublikang Arabo ng Syria
Sangay/SerbisyoSandatahang Lakas ng Syria
Taong lingkod1988–2024
Ranggo Marshal
YunitRepublican Guard
Huling nagsilbi bilang Punong Kumander
Labanan/DigmaanDigmaang Sibil sa Syria (2011–2024)

Si Bashar al-Assad (ipinanganak noong 11 Setyembre 1965) ay isang politikong Syrian na nagsilbing Pangulo ng Syria mula 2000 hanggang 2024. Naging pinuno rin siya ng Ba'ath Party sa Syria mula 2017 hanggang 2024. Naging pangulo siya matapos ang pagkamatay ng kanyang ama na si Hafez al-Assad.[1] Nahahalal si Bashar al-Assad bilang pangulo noong 2000, at muling nahalal noong 2007 matapos makakuha ng 97% ng mga boto sa isang reperendum.[2][3]

Noong 7 Disyembre 2024, malawakang iniulat na bumagsak ang rehimen ni Assad at tumakas siya sa bansa matapos makuha ng mga rebelde ang Damascus sa panahon ng kanilang opensiba sa buong Syria.

Maagang buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Assad noong 11 Setyembre 1965 sa Damascus, Syria, kina Alawite na mga magulang na sina Hafez al-Assad at Anisa Makhlouf [en]. Mayroon siyang dalawang kapatid na lalaki, sina Bassel al-Assad at Maher al-Assad [en], at isang kapatid na babae, si Bushra al-Assad [en]. Kilala si Bashar bilang isang tahimik at mahiyain na tao, at noong kabataan niya ay hindi siya interesado sa politika o sa militar.[4]

Nag-aral si Assad ng medisina sa Unibersidad ng Damascus at nagtapos noong 1988.[5] Pagkatapos nito, nagsanay siya sa ophthalmology sa isang ospital ng militar, at noong 1992 ay nagpatuloy ng pag-aaral sa Western Eye Hospital [en] sa London.[5] Ninais ng kanyang ama na si Hafez al-Assad na ang nakatatandang kapatid niyang si Bassel al-Assad ang humalili bilang pinuno ng Syria.[5] Gayunman, namatay si Bassel sa isang aksidente sa sasakyan noong 1994, kaya bumalik si Bashar sa Syria. Pagbalik niya sa Syria, pinaniniwalaang sinimulan siyang ihanda para sa pagkapangulo, bagaman itinanggi niya ang mga paratang na ito.[6]

Pangulo ng Syria

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matapos mamatay ang ama ni Bashar na si Hafez al-Assad, binago ng pamahalaan ang saligang batas ng Syria. Ayon sa dating batas, kinakailangang hindi bababa sa 40 taong gulang ang isang pangulo. Matapos baguhin ang batas, nahalal si Assad bilang Pangulo ng Syria noong Hunyo 2000.[7] Itinalaga rin siya bilang punong kumandante ng sandatahang lakas at pinuno ng Ba'ath Party, na namuno sa Syria mula pa noong 1963.[8][9]

Digmaang Sibil sa Syria

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimula ang malawakang mga protesta sa Syria noong Enero 2011. Hiniling ng mga nagpoprotesta ang mga repormang pampulitika, pagwawakas sa estado ng emerhensiya na ipinatupad mula pa noong 1963, at pagbabalik ng mga karapatang sibil. Noong Marso, lumaki ang mga protesta at gumamit ng dahas ang pamahalaan laban sa mga demonstrador.[10]

Noong Abril 2011, nagpataw ang Estados Unidos ng mga parusa laban sa pamahalaan ni Assad.[11] Sinundan ito ng Canada at ng European Union noong Mayo 2011.[12][13]

Noong Hunyo 2011, nangako si Assad ng mga reporma, bagong halalang parlyamentaryo, at higit na kalayaan. Hinikayat din niya ang mga lumikas na bumalik sa Syria.[14]

Noong Enero 2012, iniulat ng Reuters na mahigit 5,000 sibilyan at mga nagpoprotesta, kabilang ang mga armadong militante, ang napatay ng hukbong Syrian, mga ahente ng seguridad, at ng Shabiha [en], habang 1,100 katao naman ang napatay ng mga grupong terorista.[15]

Noong buwan ding iyon, sinabi ni Assad na ang pag-aalsa ay pinasimulan ng mga dayuhang bansa at nagpahayag na maaaring magsagawa ng bagong reperendum sa Marso.[16]

Isinagawa ang reperendum noong Pebrero 2012 upang baguhin ang mga limitasyon sa termino ng mga magiging pangulo ng Syria. Ayon sa opisyal na resulta, naaprubahan ito sa 90% ng mga boto. Gayunman, hindi kinilala ng Estados Unidos at Turkey ang resulta, at nagpataw pa ng karagdagang parusa ang European Union.[17]

Noong Hunyo 2012, idineklara ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na ang labanan sa Syria ay isa nang digmaang sibil.[18] Pagsapit ng Hulyo 2012, umabot na sa humigit-kumulang 20,000 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa magkabilang panig ng tunggalian.[19] Noong 2014 at 2015, nabawasan ang suporta kay Assad mula sa ilang miyembro ng komunidad na Alawite, dahil hindi proporsyonal ang dami ng mga sundalong Alawite na nasawi sa digmaan.[20]

Noong Setyembre 2015, nakialam ang Russia sa digmaan. Sinabi ni Vladimir Putin, pangulo ng Russia, na layunin ng kanilang interbensiyon na patatagin ang lehitimong pamahalaan ng Syria at lumikha ng mga kundisyon para sa kompromisong pampulitika.[21] Noong Nobyembre 2015, sinabi ni Assad na mas malaki ang naging epekto ng dalawang buwang interbensiyon ng Russia kaysa sa isang taong operasyon ng koalisyong pinamunuan ng Estados Unidos.[22] Noong Disyembre 2016, nabawi ng hukbong Syrian ang malaking bahagi ng Aleppo mula sa mga puwersang rebelde.[23]

Matapos mahalal si Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos, hindi na pangunahing layunin ng pamahalaan ng U.S. ang pagpapatalsik kay Assad sa kapangyarihan.[24] Nagbago ito matapos ang Khan Shaykhun chemical attack [en]. Nag-utos si Trump ng pag-atake gamit ang mga misayl laban sa isang himpilan ng hukbong panghimpapawid ng Syria. Bilang tugon, sinabi ni Assad na ang aksiyon ng Estados Unidos ay isang "hindi makatarungan at mayabang na agresyon". Iginiit din niyang isinuko na ng Syria ang lahat ng sandatang kemikal nito noong 2013 at tinawag niyang gawa-gawa lamang ang pag-atakeng kemikal upang bigyang-katwiran ang pag-atake ng U.S.[25] Pagsapit ng Marso 2018, tinatayang nasa pagitan ng 350,000 at 511,000 katao ang nasawi sa Digmaang Sibil sa Syria.[26]

Pagkakatanggal sa puwesto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 4 Disyembre 2024, sumiklab ang matinding labanan sa Hama Governorate habang sinubukan ng hukbong Syrian na pigilan ang pagsulong ng mga rebeldeng pinamumunuan ng mga Islamist patungo sa lungsod ng Hama. Bagaman inangkin ng pamahalaan na nagsagawa ito ng kontra-opensiba na may suporta ng hukbong panghimpapawid, nabihag ng mga rebelde, kabilang ang Hay'at Tahrir al-Sham (HTS), ang Hama noong 5 Disyembre.[27] Nagdulot ang labanan ng malawakang paglikas ng halos 50,000 katao at mahigit 600 nasawi, kabilang ang 104 sibilyan.[28] Noong 7 Disyembre 2024, tumakas si Assad mula sa kabisera ng Damascus habang mabilis na sumusulong ang mga puwersang rebelde.[29] Ayon sa mga ulat, dumating siya sa Moscow, Russia, kung saan siya at ang kanyang pamilya ay pinagkalooban ng asilo sa pulitika.[30] Iniulat din ng ilang midya na mayroon umano siyang tinatayang yaman na nagkakahalaga ng US$2 bilyon.[31]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bashar al-Assad (president of Syria)". Britannica Online Encyclopedia. 2012. Nakuha noong 27 October 2012.
  2. "Syrians Vote For Assad in Uncontested Referendum". The Washington Post. 28 May 2007.
  3. "Syria's Assad wins another term". BBC News. 29 May 2007.
  4. Bar, Shmuel (2006). "Bashar's Syria: The Regime and its Strategic Worldview" (PDF). Comparative Strategy. 25 (5). The Interdisciplinary Center Herzliya Lauder School of Government, Diplomacy and Strategy Institute for Policy and Strategy: 16 & 379. doi:10.1080/01495930601105412. S2CID 154739379. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 23 July 2011. Nakuha noong 14 March 2015.
  5. 1 2 3 "Bashar al-Assad Biography - Facts, Birthday, Life Story". biography.com. 2012. Nakuha noong 27 October 2012.
  6. "Syrian President Bashar Al-Assad On UAE's Sky News Arabia: No Meeting With Erdoğan Unless He Agrees To Withdraw Turkish Forces From Syria; We Have Other Priorities Than Restoring Our Relations With Hamas; I Do Not Discuss With My Son The Possibility Of Him Becoming Future President". MEMRI (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-27.
  7. "The rise of Syria's controversial president Bashar al-Assad". ABC News. 7 April 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 June 2017. Nakuha noong 19 June 2017.
  8. Bowen, Andrew (17 September 2012). "Syria's Future and Iran's Great Game". The Majalla. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 October 2012. Nakuha noong 23 December 2012.
  9. Takieddine, Randa (1 April 2020). "Godfather of the Assad regime takes Rafik Hariri secrets to the grave". Arab News. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 June 2022. Nakuha noong 1 April 2020.
  10. "Daraa: The spark that lit the Syrian flame". CNN. 1 March 2012. Nakuha noong 13 August 2018.
  11. "Administration Takes Additional Steps to Hold the Government of Syria Accountable for Violent Repression Against the Syrian People". United States Department of the Treasury. Nakuha noong 18 May 2011.
  12. "EU imposes sanctions on President Assad". BBC News. 23 May 2011. Nakuha noong 14 March 2015.
  13. "Canada imposes sanctions on Syrian leaders". BBC News. 24 May 2011. Nakuha noong 14 March 2015.
  14. "Speech of H.E. President Bashar al-Assad at Damascus University on the situation in Syria". Syrian Arab News Agency. 21 June 2011.
  15. "Syria death toll hits 5,000 as insurgency spreads". Reuters. 13 December 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Oktubre 2015. Nakuha noong 25 Hulyo 2026.
  16. "Syria's Assad blames 'foreign conspiracy'". BBC News. 10 January 2012.
  17. "Syria claims 90% of voters backed reforms in referendum". The Guardian. 27 February 2012.
  18. "Syria in civil war, Red Cross says". BBC News. 15 July 2012.
  19. "Syrian death toll tops 19,000, say activists". The Guardian. 22 July 2012.
  20. "Syria's Alawites Pay Heavy Price as They Bury Sons". Associated Press. 1 November 2014.
  21. "Путин назвал основную задачу российских военных в Сирии". Interfax. 11 October 2015.
  22. "ВКС РФ за два месяца добились большего прогресса в Сирии, чем альянс США за год". Kommersant. 22 November 2015.
  23. "Evacuation agreement reached in Aleppo, rebel group says". Fox 6 Now. 17 December 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2016. Nakuha noong 25 Hulyo 2026.
  24. "U.S. priority on Syria no longer focused on 'getting Assad out': Haley". Reuters. 30 March 2017.
  25. "Syria's Assad says Idlib chemical attack 'fabrication': AFP interview". Reuters. 13 April 2017.
  26. "Syria rebels capture major city of Hama after military withdraws".
  27. "Syrian army launches counterattack as rebels push towards Hama". 4 December 2024.
  28. "Syrian army command tells officers that Assad's rule has ended, officer says".
  29. "Syria's Assad and his family are in Moscow after Russia granted them asylum, say Russian news agencies". December 8, 2024.
  30. Msn 9 December 2024