Pumunta sa nilalaman

Ugat na pandugo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Baskularisado)
Larawan ng estructura ng ugat na pandugo.

Ang ugat na pandugo o ugat pandugo (Ingles: blood vessel), na tinatawag ding ugat na sisidlan ng dugo, ugat na patuluan ng dugo, ugat na lagusan ng dugo, ugat na sihiran ng dugo, o ugat na daluyan ng dugo, ay isang tubo na nagdadala ng dugo. Ang mga ugat-pandugo o ugat-pangdugo na nagdadala ng dugo papalayo mula sa puso ay ang mga arteryo (arterya) o malalaking ugat na daluyan ng dugo. Samantala, ang mga ugat pangdugo na nagdadala ng dugo papunta sa puso ay kilala bilang mga bena. Nakalagay ang mga kapilaryo sa pagitan ng mga bena at ng mga arteryo at nagbibigay sila sa mga tisyo ng dugo at oksiheno. Ang puso pati na ang mga ugat na pandugo sa katawan ng tao, kapag magkasama, ay tinatawag na sistemang sirkulatoryo. Tinatawag na basodilasyon ang pagluwang o pagbuka ng mga ugat na pandugo, na nakakatulong sa pagtatanggal ng enerhiya ng init mula sa katawan. Tinatawag namang basokonstriksyon ang konstriksyon ng mga ugat na pandugo, na nagpapaiwas sa katawan ng tao na makawala ang init.

Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.