Batang Hesus ng Praga
Ang Batang Hesus ng Prague o Batang Hesus ng Praga (Ingles: Infant Jesus of Prague, Czech: Pražské Jezulátko) ay isang kilalang istatwa ng batang Hesus na nasa Simbahan ng Ating Inang Tagumpay (Church of Our Lady Victorious) sa Malá Strana, Prague. Nagsimula ang kasaysayan nito noong mga unang panahon ng ika-17 daantaon nang dalhin ng isang prinsesang Kastila ang isang istatuwa ng Batang Hesus sa Bohemia.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ibinigay ang istatwang ito sa prinsesa bilang isang handog mula sa kaniyang inang si Maria Manriquez ng Lara ng Espanya, at sa lumaon ibinigay naman niya sa mga Karmelitang Discalced sa Prague. Inilagak ang istatwa sa oratoryo ng monasteryo, na dalawang ulit isang araw na pinagtatangian ng pagtangkilik sa harap nito sa tuwina.
Nagsanhi ng pagwawakas sa mga natatanging pagtangkilik na ito ang mga kaguluhan sa Bohemiang dulot ng Tatlumpong Taong Digmaan. Noong Nobyembre 15, 1631, nilikom ng hukbo ni Haring Gustavus Adolphus ng Sweden ang mga simbahan ng kabiserang lungsod ng Bohemia. Nilusob ng mga Protestanteng Luterano ng Sweden ang tahanan ng mga samahang Karmelita, at itinapon ang istatwa ng Batang Hesus ng Prague sa tumpok ng mga basura sa likod ng altar. Nahimlay ito roon at nalimutan sa loob ng pitong mga taon hanggang sa muling matagpuan noong 1637. Mula noon, nanatili na ang istatwa sa Prague at tumawag ng pansin ng maraming mga mananampalataya mula sa buong mundo para papurihan ang Banal na Bata. Maraming nagpapatotoo ng pagtanggap ng biyaya, kahilingin, at mga milagrosong paggaling matapos na humingi ng tulong sa harap ng Batang Hesus.
Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi lubos na natitiyak ang pinagmulan ng istatwa ng Batang Hesus, ngunit may mga makasaysayang mga sanggunian na tumuturo sa isang maliit na lilok, may taas na 28 sentimetro, ng Banal na Batang may isang ibon sa kaniyang kamay, at pinaniniwalaang inukit noong taon ng 1340. Marami pang ibang mga ukit ng Batang Hesus na nililok ng mga kilalang mga dalubhasang manlililok sa kabuoan ng Europa noong mga Gitnang Kapanahunan.
Pagpupuri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ngayon, libu-libong mga deboto ang nagbibigay ng papuri sa Batang Hesus ng Praga kada taon. Nagpapatuloy pa magpahanggang ngayon ang nakaugaliang pagpuprusisyon at pagpuputong ng korona sa Batang Hesus. Noong Mayo 27, 1995, isinagawa ang isang taimtim na pagpaparada ng Batang Hesus sa mga kalsada ng Prague kung saan namuno sa prusisyon sina Jaime Kardenal Sin ng Maynila, Pilipinas at Miloslav Kardenal Vlk ng Prague. Tanda ng pagtatapos ng taunang Kapistahan ng Batang Hesus ng Praga ang seremonyang ito.
Sa Irlanda (Hilaga at Timog), may ilang mga ikakasal na kababaihan na naglalagay ng katulad na istatwa ng Batang Hesus ng Praga sa labas na kanilang mga pamamahay sa gabi bago sila makipag-isang-dibdib, upang maseguro na magkakaroon ng mabuting anyo ng panahon sa araw ng kasal.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nemec, Ludvik (Reberendo). The Infant of Prague, Benziger Brothers, Inc, 1958.
- Cruz, Joan Carroll, OCDS. Miraculous Images of Our Lord, TAN Books and Publishers, Inc, 1995. ISBN 0-89555-496-8
- Ball, Ann Ball, at Damian Hinojosa. Holy Infant Jesus, The Crossroad Publishing Company, 2006. ISBN 0-8245-2407-1