Pumunta sa nilalaman

Batas ng pangangalakal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang batas ng pangangalakal ay kabuuan ng mga batas na nalalapat sa mga karapatan, relasiyon, at pag-uugali ng mga tao at negosyong kasangkot sa komersyo, merchandising, pangangalakal, at pagbebenta. Ito ay madalas na itinuturing na sangay ng batas sibil at nakikilahok sa mga isyu ng pribadong at pampublikong batas.

Sakop sa batas na ito ang mga titulo katulad ng prinsipal at ahente; pagpapadala sa pamamagitan ng lupa o dagat; pagpapadala ng mga kalakal; garantiya; pagseseguro sa pagbabapor, apoy at buhay; salaping papel at pagkakasosyo. Pwede din itong unawaan upang ayusin ang kontratang samahan, praktis sa pagtatanggap, at ang paggawa at pagbebenta ng kalakal. Maraming bansa ang gumagamit ng mga alituntuning sibil na may komprehensibong pahayag ng kanilang batas ng pangangalakal.

Sa Estados Unidos, ang batas na ito ay responsibilidad ng Kongreso, batay sa kakayahan nitong mamahala sa komersyo ng mga estado, at ang mga estado ng bansa, batay sa kapangyarihan nilang mamahala. Pinagsikapan ang paglikha ng pinag-isang katawan ng batas ng pangangalakal sa Estados Unidos; ang pinakamaunlad na tangka ay nagresulta sa laganap na paggamit ng Uniform Commercial Code, na ginagamit sa limampung estado (na may kaunting pagbabago ayon sa lehislatura ng estado), ang distrito ng Columbia, at ang iba pang teritoryo ng Amerika.