Pumunta sa nilalaman

Batsilyer sa Agham ng Teknolohiya ng Pananamit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Batsilyer sa Agham ng Teknolohiya ng Pananamit (Ingles: Bachelor of Science in Clothing Technology [BS CT]) ay isang kurso na makukuha sa Kolehiyo ng Ekonomiyang Pantahanan sa Unibersidad ng Pilipinas (U.P.) sa Diliman, Lungsod ng Quezon.

Ang kursong ito ay nagtuturo ng mga paksa tungkol sa damit at industriya ng pananamit.

Ang unang dalawang taon sa kurso ay ang pagkilala sa kasaysayan, kemikal at pisikal na komposisyon ng damit at mga aksesorya, at pagguhit at pagtahi nito.

Sa ikatlong taon, matutunan ang mas malalim na mga paksa katulad na pamamahala sa industiya ng pananamit (industrial engineering, management at merchandising), paggawa ng koleksiyon, paggawa ng padron ng damit, draping, tamang pagsusuri, at pananaliksik tungkol dito.

Sa pamamahala sa industriya ng pananamit matutunan ang iba’t ibang prinsipyo at pamamaraan na ginagamit sa pamamahala ng industriya o negosyo sa damit. Dito din makikilala ang iba’t ibang industriya ng pananamit na makikita sa Pilipinas.

Tinuturuan din ang mga estudyante sa paggawa ng koleksiyon para gamitin sa fashion show at ang paggawa ng padron. Ang paggawa ng padron ay kritikal dahil dito nagsisimula ang proseso ng pagbuo ng isang damit. Magkaiba ang draping sa paggawa ng padron. Ang draping ay isang metodolohiyang hindi gumagamit ng padron para makabuo ng isang damit. Madalas gamitin ang pamamaraang ito sa koleksiyong haute couture. Samantalang ang padron ay ginagamit sa mga Ready-to-wear (RTW) na damit na binebenta sa pampublikong pamilihan.

Ang tamang pagsusuri sa kalidad ng damit at pagkilatis sa mga sira nito ay matutunan din dito. Dito malalaman ang tamang paraan ng pagtingin ng damit na makikita sa pamilihan at ang tamang kalidad ng isang damit.

Ang pananaliksik sa damit ay mapag-aaralan sa ikatlong taon at gagawin sa huling semestre ng huling taon. Dito malayang pumili ang mga estudyante ng mga paksa na balak nilang pag-aralan pa. Dito magagamit ang lahat ng natutunan sa loob ng apat na taon sa kurso.

Mga Trabaho para sa Gradweyt ng BS CT

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lingid sa kaalaman ng lahat. Ang BS CT gradweyt ay hindi lamang sa larangan ng fashion design pwedeng magtrabaho. Ang mga gradweyt ng BSCT ay maaring mapunta sa kahit saang trabaho na may kinalaman sa damit/ pananamit/ industriya ng damit. Ang mga sumusunod ay mga larangang maaring puntahan ng isang BS CT gradweyt:

  • Fashion Design
  • Merchandising
  • Production
  • Quality Control
  • Research

Fashion Design

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang larangang ito ay nangangailangan ng kaalaman sa pagdisenyo, pagguhit, pagtahi, paggawa ng koleksiyon, kasaysayan, at kemikal at pisikal na komposisyon ng damit.

  • Fashion designer
  • Brand designer
  • Jewelry designer
  • Shoes designer
  • Bag designer
  • Hat designer

Merchandising

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang larangang ito ay nangangailangan ng kaalaman sa pagbenta ng mga damit na may magandang kalidad sa tamang pamilihan, panahon, at presyo. Hindi lamang damit ang saklaw ng larangang ito. Pwede din dito ang pagkain, kotse, atbp.

Ang larangang ito ay nangangailangan ng kaalaman sa paggawa ng padron ng damit, draping, industriyang indutriyal at merchandising. Dito makikita ang aktwal na paggawa ng damit simula sa sinulid hanggang sa pagdala ng yaring damit sa nagpagawa (buyer). Importante ang larangang ito sa mga nagbabalak kumuha ng trabaho sa merchandising.

Quality Control

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang larangang ito ay nangangailangan ng mapanuri at mapagkilatis na mata’t isip sa kalidad ng damit. Ang larangang ito ay konektado sa fashion design, production at merchandising.

Ang larangang ito ay importante dahil dito nagsisimula ang lahat ng mga bagong kaisipan tungkol sa damit. Lahat ng kaalaman na natutunan sa apat na taon sa kursong BS CT ay kailangan para maging epektibong mananaliksik.

Ang mga larangang nabanggit ay iilan lamang sa napadaming larangan na maaring mapuntahan ng isang BS CT gradweyt. Ang limang nabanggit na larangan ang pinakasikat at madalas piliin ng mga nagsipagtapos ng BS Clothing Technology sa U.P. Diliman.