Pumunta sa nilalaman

Sengoku Otome: Momoiro Paradox

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Battle Girls: Time Paradox)
Sengoku Otome: Momoiro Paradox
Sengoku Otome ~Momoiro Paradokkusu~
戦国乙女~桃色パラドックス~
DyanraKomedya, Makasaysayang pantasya
Teleseryeng anime
DirektorHideki Okamoto
IskripTouko Machida
EstudyoTMS Entertainment
Inere saTV Tokyo
Takbo5 Abril 2011 – kasalukuyan
Bilang13
Laro
Sengoku Otome: Battle Legend
TagapamanihalaShirogumi NMD
GenreAksyon
PlatformPlaystation Vita
Inilabas noong
  • JP: Agusto 25, 2016
 Portada ng Anime at Manga

Ang Sengoku Otome: Momoiro Paradox (戦国乙女~桃色パラドックス~, Sengoku Otome ~Momoiro Paradokkusu~, salin: Warring Maidens: Peach-colored Paradox) ay isang Hapones na seryeng pantelebisyon na anime noong 2011 na binase sa isang larong pachinko na binuo ng Heiwa. Ipinalabas ang serye sa TV Tokyo noong 4 Abril 2011[1] na inilabas ng TMS Entertainment sa ilalim ng direksyon ni Hideki Okamoto.

Si Yoshino Hide, isang karaniwang dalaga, ay misteryosong napadpad sa lugar na mukhang nasa panahon ng Piyudal Japan, ngunit ito ay isang alternatibong mundo kung saan tinitirhan lamang ng mga kababaehan. Nagkataong nakilala ang babaeng panginoong piyudal na si Nobunaga Oda at tulangan siya sa kanyang paghahanap sa mga piraso ng Crimson Armor na makakatulong sa pagsakop ng buong kalupaan.

Ang Sentai Filmworks ay mayroong lisensya sa serye para sa Hilagang Amerika at ipinalabas ito sa DVD at Blu-ray Disc noong Pebrero 26, 2013.[2]

Isang aksyon na bidyong laro ang ginawa ng Shirogumi NMD na may pamagat na Sengoku Otome: Battle Legend, ito ay ipinalabas para sa PlayStation Vita noong Agusto 25, 2016.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Sengoku Otome Historical Pachinko Game Gets TV Anime" (sa wikang Ingles). Anime News Network. 4 Pebrero 2010. Nakuha noong 23 Pebrero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Sentai Filmworks Reveals Battle Girls: Time Paradox Dub Cast". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Sengoku Otome: Legend Battle announced for PS Vita". Gematsu (sa wikang Ingles). 2016-04-29. Nakuha noong 2022-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]