TV Tokyo
Rehiyo ng Kantō, Hapon | |
---|---|
Lungsod ng Lisensiya | Tokyo |
Mga tsanel | Dihital: 23 (UHF) Birtuwal: 7 |
Tatak | TV Tokyo |
Pagproprograma | |
Kaanib ng | TX Network (1983–kasalukuyan) |
Pagmamay-ari | |
May-ari | TV Tokyo Corporation |
Mga kapatid na estasyon | BS TV Tokyo AT-X Nikkei CNBC InterFM |
Kasaysayan | |
Itinatag | 1951 |
Unang pag-ere | 22 Abril 1964 |
Dating mga tatak pantawag | Analogo: 12 (VHF) (1964-2011) |
(Mga) dating numero ng tsanel | 12 (1964-2011) |
Dating kaanib ng | Malaya (1964–1983) |
Kahulugan ng call sign | JOTX-(D)TV JO Tokyo X |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglilisensya | MIC |
Lakas ng transmisor | 10 kW (68 kW ERP) |
Mga koordinado ng transmisor | 35°39′50″N 139°44′36″E / 35.66389°N 139.74333°E |
(Mga) translador | Mito, Ibaraki Dihital: Tsanel 18 |
Mga link | |
Websayt | TV-Tokyo.co.jp (sa Hapones) |
Ang JOTX-DTV (tsanel 7), tinatakan bilang TV Tokyo[a] at kolokyal na kilala bilang テレビ東京 (Terebi Tōkyō) o テレ東 (Teretō), ay isang estasyon ng telebisyon na nakahimpil sa Sumitomo Fudosan Roppongi Grand Tower sa Roppongi, Minato, Tokyo, Hapon, na pagmamay-ari at pinapagana ng TV Tokyo Corporation[b] na subsidiyarya na nakatalang sertipikadong humahawak na kompanyang brodkasting na TV Tokyo Holdings Corporation,[c] na subsidiyarya ang sarili ng Nikkei, Inc.,[1] na nagsisilbing estasyong flagship ng TX Network.[2] Ito ang isa sa mga panguhahing estasyon ng telebisyon sa Tokyo, partikular ang pagpapalabas ng mga anime.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naitatag ang TV Tokyo ng Pundasyon ng Hapong Agham (o Japan Science Foundation) noong 1951 at sinumulan ang pagbrobrodkast, bilang Science TV Tokyo Channel 12 Television (科学テレビ東京12チャンネルテレビ Kagaku Terebi Tōkyō Jūni-channeru Terebi) noong 12 Abril 1964. Kinuha ang pangalan nito mula sa frequency ng VHF nito na tsanel 12. Halos na malugi ito noong 1968; noong Hulyo 1 ng taon na iyon, isang limitadong kompanyang may pananagutan ang Tokyo Channel 12 Production na naitatag sa tulong ng Nikkei at Mainichi Broadcasting System.
Noong 1969, pumirma ang Nikkei at MBS ng isang palibot-sulat ng unawaan na nagsasabing na magbabahagi ang Tokyo Channel 12 ng mga programa sa Nihon Educational Television (NET, TV Asahi ngayon). Binuo nito ang isang de facto na alyansa na tumagal hanggang 1975.
Noong Oktubre 1977, pinalitan ang pangalan ng Tokyo Channel 12 Production sa Tokyo Channel 12, Ltd. (株式会社東京12チャンネル Kabushiki-gaisha Tōkyō Jūni-channeru); at pinaikli ang pangalan ng tsanel sa Tokyo Channel 12 (東京12チャンネル Tōkyō Jūni-channeru), na tinanggal ang "Science TV" sa pangalan nito. Kasabay nito, lumipat ang estasyon sa Liwasang Shiba. Pagkaraan ng isang buwan, naging pangkalahatang estasyon ito kasama ang NET. Noong 1 Abril 1978, nilunsad ng Tokyo ang bagong kompanyang produksyon na Softx.
Noong 1981, pinalitan muli ang pangalan nito sa Television Tokyo Channel 12, Ltd. d/b/a TV Tokyo; ang kasalukuyang pangalang Hapon ng kompanya ay ginawa din sa parehong taon.
Noong 1983, binuo ng TV Tokyo ang Mega TON Network (TX Network ngayon) kasama ang TV Osaka, at Aichi Television Broadcasting. Lumipat ang punong-himpilan ng kompanya mula sa Liwasang Shiba tungo sa Toranomon noong Disyembre 1985. Noong 4 Oktubre 1999, napalitan ang kompanyang produksyon ng Tokyo na Softx sa TV Tokyo MediaNet. Noong 2004, napaikli ang pangalan ng TV Tokyo MediaNet sa MediaNet. Noong 25 Hunyo 2004, kinuha ng kompanya ang kasalukuyang panglang Ingles nito na TV Tokyo Corporation. Pagkatapos ng transisyon sa dihital, nagsimulang magbrodkast ang tsanel sa dihital na tsanel 7. Noong 7 Nobyembre 2016, nilipat ng TV Tokyo ang himpilan nito sa bagong gusali nito sa Sumitomo Fudosan Roppongi Grand Tower mula sa lumang istudiyo nito sa Toranomon. Ang kasalukuyang logo ay isang kartun na saging na may mga mata, isa ilong at isang bunganga na nakabaliko sa 7, na ipinangalang Nanana (ナナナ).
Bahagi ang himpilan ng Japan Consortium, na sinasasahimpapawid ang mga Palarong Olimpiko at ang Kopang Pandaigdig ng FIFA.
-
Ang logo ng TV Tokyo na ginamit nung 1981 at 1985. Ito ang unang bersyon ng テレビ東京 wordmark na nagamit na ito mula 1981 hanggang 1998.
-
Ang logo ng TV Tokyo na ginamit ito mula 1998 hanggang Nobyembre 12, 2023.
-
Bersyong Ingles na logo ng TV Tokyo na kasalakuyang ginagamit rin kasabay ng isang logo na bersyong Hapones.
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Corporate Data Naka-arkibo 2010-01-30 sa Wayback Machine.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-01-30. Nakuha noong 2022-11-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)." TV Tokyo. Nakuha noong 21 Hunyo 2010.